For the Love of Hannah (Hating Mr. Right)
READING AGE 16+
Hannah Lauricio and Haley Bautista are half-sisters but don't get along well since they were kids. Naiintindihan naman ni Hannah kung bakit. Ang ina niya ang naging dahilan ng paghihiwalay ng mga magulang ni Haley.
Bumalik ang ama niya sa sarili nitong pamilya nang mawala ng ina niya sa isang aksidente. At dahil hindi sila magkasundong magkapatid, nakiusap siyang maiwan sa Lola niya at hindi na rin siya humingi pa ng anumang sustento mula sa ama. Nagtrabaho siya sa isang hotel sa Pagudpud para matustusan ang pag-aaral.
Hanggang sa makilala niya si Ezekeil Albano sa hotel kung saan siya nagtatrabaho. Nag-alok ito ng scholarship sa kanya kapalit ng pagtatrabaho niya sa kumpanya nito oras na makatapos siya ng pag-aaral. A rich man at a young age, kind and oozing with s*x appeal; he is her ideal of a Mr. Right. Madaling nahulog ang loob niya at naging kasintahan niya ito matapos ang ilang buwang panliligaw. Nang hiniling nitong sa Maynila na siya magtapos ng kolehiyo ay sumama siya rito.
Ngunit ang pag-ibig niya sa binata ay nagdulot ng sakit sa kanya nang malamang ito ang ama ng anak ng kanyang kapatid na si Haley. Kasabay ng pagkatuklas ng pagtataksil nito ay ang pagkawala ng bata nasa sinapupunan niya. Lumayo siya kay Ezekeil at ipinagpatuloy ang buhay na malayo dito.
Pero makalipas ang dalawang taon ay muli itong bumalik sa buhay niya. Pero hindi para mahalin muli kung hindi ang alagaan ang anak nito sa kapatid na si Haley na iginupo ng sakit sa kanser.
Mapipigilan ba niya ang puso na mahalin itong muli?
Unfold
Nasa gitna sila ng meeting ni Ezekeil nang makaramdam ng hilo si Hannah. Noong una'y pilit niyang ipinagwalang bahala dahil alam niyang dala lang 'yon ng puyat. Isang buwan na siyang abala sa maraming trabaho dahil gusto niyang patunayan sa Papa ng kasintahan na karapat-dapat siya sa pagmamahal ni Ezekeil.
"Are you okay, Ma'am Hannah? ……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……