SEDUCING MY BEST FRIEND'S DAD
READING AGE 18+
♨️LIFE begins 40♨️
‼️HOT 40'S COLLABORATION‼️
‼️MATURE CONTENT‼️
🔞SPG🔞
BLURB:
Ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa edad. Ito ay kusang dumarating at walang makapipigil lalo na kapag puso ang nagdidikta.
Si Rhodri Echeverria ay isang mapagmahal na asawa at ama. Ngunit nagbago ang lahat nang mamatay ang kaniyang asawa dahil sa atake sa puso. Upang makalimutan ang masakit na pangyayari ay ibinuhos niya ang buong atensiyon sa kaniyang kumpanya at tuluyang isinara ang kaniyang puso. Sa edad na 42 ay hindi na niya nagawang makipagrelasyon sa ibang babae.
Ngunit sa pagdadalamhati ni Rhodri, hindi niya alam na naapektuhan na pala ang relasyon nila ng nag-iisang anak na si Enzo. Laging nakatutok si Rhodri sa kanilang kumpanya, kaya bihira na lang siyang nakipag-bonding sa kaniyang anak. At lingid sa kaniyang kaalaman na ang kaniyang unico hijo ay may pusong babae.
Sa labis na takot ni Enzo na baka malaman ng kaniyang ama ang tungkol sa kaniyang kasarian ay pinakiusapan niya ang kaniyang matalik na kaibigan na si Domenique na magpanggap bilang kaniyang kasintahan. Hindi naman nagdalawang-isip si Dom na pumayag, dahil si Enzo ang dahilan kung bakit siya nakakuha ng full scholarship sa kolehiyo.
Ngunit sa pananatili ni Dom sa mansyon ng Echeverria, sa halip na magpanggap bilang girlfriend ni Enzo ay tila bumaliktad ang lahat nang una niyang makita si Rhodri Echeverria ang daddy ng kaniyang matalik na kaibigan. Walang karanasan si Dom sa pakikipagrelasyon, subalit ganoon na lamang ang pagkahumaling niya kay Rhodri.
Paano kung sa paggising ni Rhodri ay kasiping na niya ang kasintahan ng kaniyang unico hijo?
Paano niya haharapin ang anak? Lalo na\'t nalaman niyang siya ang unang lalaking nakakuha sa kasintahan nito.
Unfold
~RHODRI~
HINDI ko napigilan ang mga luha ko habang tahimik ko silang pinagmamasdan. Masaya ako na napatawad nang babaeng mahal ko ang tunay niyang ama.
"Tito Rhodri!" Agad kong pinunasan ang luha ko nang marinig ko ang boses ni Mimi.
Nilingon ko siya. “Kumusta, Mimi?”
“Mabuti po, Tito. Bibisitahin mo ……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……