BLEEDING LOVE (R-18)
READING AGE 18+
WARNING: MATURE CONTENT
Nagulo ang tahimik na mundo ni Maxene Perrera nang dumating sa buhay niya si Tyrone Imperial, ang may-ari ng hotel na pinagtatrabahuhan niya. Hindi napigilan ng puso niya na mahalin ang binata kahit alam niyang maraming tututol sa relasyon nila.
Nang malaman ng ama ni Tyrone ang nalalapit nilang kasal ay ginawa nito ang lahat para hindi siya makarating sa simbahan. Ito rin ang dahilan kung bakit unti-unting nasira ang buhay ng dalaga.
Mahirap man ay pinilit bumangon ni Maxene at buuing muli ang sarili. Hanggang sa maging isa siyang successful business woman at sikat na event coordinator.
Pagkalipas ng limang taon ay muling nag-krus ang mga landas nila ni Tyrone. At siya lang naman ang magiging wedding coordinator sa nalalapit nitong kasal.
Paano niyang haharapin ang matinding galit ng lalaking kailanman ay hindi nawala sa puso niya?
Paano niyang magagawa nang maayos ang trabaho kung ang kliyente niya ay walang ibang hangad kundi ang gantihan siya?
Hahayaan niya na lang bang makasal si Tyrone sa ibang babae o ipaglalaban na niya ang pagmamahal para sa dating kasintahan na hindi niya nagawa noon?
Unfold
NANG makatulog si Athena ay dahan-dahan kaming bumangon ni Tyrone sa kama. Maingat ang mga kilos namin habang naglalakad papasok sa banyo. Kapwa takot na baka makagawa ng anumang ingay na maaaring ikagising ng aming anak.
"Sa wakas, nasolo rin kita." wika ni Tyrone matapos niyang maisara ang pinto. Agad niya akong kinabig palapit sa……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……