ROMANOV EMPIRE SERIES #1: I Fell for the Enemy’s Daughter
READING AGE 18+
Lumaki si Niko Romanov na isang lider—matigas, seryoso, at walang puwang para sa damdamin. Bilang tagapagmana ng Romanov Empire, sinanay siyang piliin ang negosyo kaysa sarili. Ngunit isang simpleng pagkakabangga sa loob ng isang café sa Intramuros ang gugulo sa mundo niyang nakaplano na.
Si Alessa Vergara—malambing pero palaban—ay anak ng lalaking minsang biktima ng Romanov Corporation. Hindi niya alam na ang lalaking unti-unti niyang minamahal ay ang anak ng lalaking sinisisi ng kanilang pamilya. At hindi rin alam ni Niko na ang babae sa likod ng matapang na ngiti ay may galit na matagal nang kinikimkim laban sa kanila.
Sa pagitan ng pag-ibig at responsibilidad, sinubok ang kanilang puso. Lihim, pagtataksil, at mga kasalanang hindi nila ginawa ngunit kailangan nilang harapin. Kailangang pumili si Niko—mananatili ba siyang alipin ng kanyang ama? O sisirain ang pamana para sa isang pag-ibig na hindi niya inaasahang darating?
Sa kwentong ito ng kapatawaran at katotohanan, matutuklasan mong ang pinakamalalim na sugat… ay hindi laging galing sa mga kaaway, kundi sa mga minamahal.
Unfold
ALESSA'S POV
Ilang beses na ako magsalita ng "stop the car" pero hindi pa rin ako pinapansin ng lalaking ito. Tagalugin ko kaya baka sakali mas maintindihan ako. Hindi niya kasi ako pinapansin.
"Ihinto mo ang kotse! Kung hindi tatalon ako!" Sabi ko.
Napatingin siya sa akin at nagsalita.……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……