Legacy in Disguise
READING AGE 16+
Sa mundong pinaghaharian ng yaman, kapangyarihan, at pangalan… may isang taong piniling mamuhay sa anino.Si Adrian Lauren’t ay tila isang karaniwang tao lamang—tahimik, simple, at madalas maliitin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Sa mata ng iba, isa lang siyang walang kwentang manugang o isang lalaking walang ambisyon. Ngunit ang hindi nila alam… may tinatagong lihim si Adrian.Sa likod ng kanyang payak na pagkatao ay nakatago ang isang napakalaking pamana—isang koneksyon sa kapangyarihan at kayamanan na kayang magpabago ng kapalaran ng sinuman.Habang patuloy siyang hinahamak, inaapi, at sinusubok ng tadhana, pinipili ni Adrian na manahimik at magtiis. Ngunit darating ang sandali na mapipilitan siyang ilantad ang katotohanan.At kapag nangyari iyon…Ang mga taong dating tumingin sa kanya nang mababa—ay mapipilitang yumuko.Ang mga nang-insulto—ay magsisisi.At ang mundong minsang tumalikod sa kanya—ay biglang magbabago. Sapagkat ang lalaking minamaliit nila…ay hindi pala basta-basta.Isa siyang tagapagmana ng kapangyarihang hindi kayang pantayan.
Unfold
Hindi mapakali si Elisse habang pinagmamasdan ang lalaking minahal niya ng buong puso. Sa dami ng mga katanungang bumabagabag sa isipan niya, parang gusto na lang niyang sumigaw. Una, ang BMW 520 ni Adrian—bakit tila mas mabilis pa ito kaysa sa inaakala? Mismong BMW 540 ni Theo ay naungusan nito nang walang kahirap-hirap! Hindi ba’t mas mataas a……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……