The Story of Us: Probinsyana
READING AGE 18+
Laking probinsya si Jasmine Alvarez, isang dalagang may matayog na pangarap. Bukod sa likas na ganda, matalino at masipag din siya. Gusto niyang makapag-aral sa Maynila, ngunit mariin itong tinutulan ng kaniyang ina. Sa kagustuhang maabot ang pangarap, gumawa siya ng paraan upang makarating sa siyudad.
Ngunit sa kabila ng talino at sipag, mapusok siya pagdating sa pag-ibig. Nang makilala niya si Dylan Altamera—ang unang lalaking nagpatibok sa kaniyang puso ay hindi siya nag-atubiling pumayag na pakasalan ito. Ginawa niya ito upang hindi matuloy ang nakatakdang kasal ni Dylan sa babaeng pinili ng pamilya nito.
Ang kanilang biglaang pagpapakasal ay nagdulot ng mas malaking gulo sa pamilya Altamera. Hindi siya tinanggap ng mga ito dahil isa lamang siyang anak-mahirap na galing sa probinsya.
Ano ang kapalarang naghihintay kay Jasmine sa piling ni Dylan? Maging masaya kaya sila, kung tutol ang pamilya nito sa kaniya, at siya pa ang dahilan kung bakit itinakwil ang lalaking mahal niya?
Ngunit isang hindi inaasahang trahedya ang babago sa takbo ng kaniyang buhay. Isang matagal nang itinatagong lihim ang mabubunyag. Isang katotohanang yayanig sa kaniyang buong pagkatao.
Paano ito tatanggapin ni Jasmine? Ito kaya ang magiging dahilan upang maghiwalay sila ni Dylan? At ano ang gagawin ni Dylan, kung ang babaeng minamahal ay hindi na siya ang dating kilala niya? May pag-asa pa kayang bumalik at mamayani ang ligaya sa kanilang pag-iibigan?
Unfold
Isinama nga talaga ako ni Dylan dito sa Hong Kong. Dalawa kaming humarap sa mga new investors namin. Ako pa rin naman ang President ng Altamera Enterprises kaya malaki ang papel ko para sa pag papaunlad ng aming mga negosyo.
Nasundan pa ang mga meeting na dinadaluhan naming mag-asawa sa iba't-ibang bansa. Hanggang sa nasanay na lan……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……