Childhood Memories
READING AGE 16+
Magkababata sina Pat at Gennie, at naging matalik na magkaibigan. Sila ay magkaklase mula elementary hanggang highschool. Naging libangan nila ang pagtatanim ng mga halamang gulay sa bukid ni Lolo Imbo tuwing walang pasok at ipinagbebenta ang mga ito upang makaipon ng pera. Away, bangayan at bati ang naging takbo ng kanilang pagkakaibigan.
Kalauna'y pagdating ng higschool ay hindi maunawaan ni Pat ang umusbong na paghanga sa matalik na kaibigan. Kailangan niya itong ilihim dahil sa takot at pagkabahala na baka magalit ang nakababata sa kaniya. Lagi silang nagdadamayan sa saya, sa hirap man o kalungkutan, lalo na si Gennie dahil salat sa pangangailangan sa buhay ay nandoon si Pat upang tulungan siya. Binigyan niya ng kuwintas si Gennie nang maka-graduate na sila sa highschool. Ito ay may pendant na susi at ang kapares nito ay ang suot din niyang kuwintas na may pendant na kandado. Ano kaya ang koneksiyon ng mga kuwintas na iyon sa pagiging magkaibigan nilang dalawa?
Hanggang kailan kaya ililihim nina Pat at Gennie ang nakatagong pag-ibig sa kanilang mga puso? Mabubuksan pa kaya ni Gennie ang nakakandadong puso ni Pat?
Tunghayan ang childhood memories ng dalawang magkababata na naging matalik na magkaibigan, na sa kalauna'y may umusbong na pag-ibig na sadyang inilihim, ngunit malalampasan pa kaya nila ang pagsubok kung darating ang mga taong maging dahilan upang mabahidan ang kanilang pagkakaibigan?
Unfold
Nang gabing iyon ay hindi makatulog nang maayos si Pat. Umalingawngaw sa kaniyang pandinig ang mga sinabi sa kaniya ni Nerio. Naguguluhan siya sa magiging desisyon niya. Nakailang balikwas na siya at bangon.
"Kailangan kong puntahan si Alma bukas. Diyos ko, tulungan mo naman ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Bigy……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……