INANGKIN AKO NG BAKLA KONG KAIBIGAN
READING AGE 18+
INANGKIN AKO NG BAKLA KONG KAIBIGAN Age-Gap Romance Sa edad na trenta, simple at tahimik ang buhay ni Angelou. Nagtatrabaho siya bilang tagaluto sa isang ampunang pinamamahalaan ng mga madre. Wala siyang ibang hangad kundi ang mabuhay nang payapa, hanggang sa isang gabing tuluyan nang nagbago sa kanyang mundo.Habang pauwi mula sa trabaho, dinukot siya ng ilang lalaking hindi niya nakilala. Nakapiring ang kanyang mga mata nang dalhin siya sa isang lugar na hindi niya alam. Apat na araw siyang nawala bago siya muling ibinalik—buhay, ngunit wasak ang kapanatagan.Mula noon, natakot na si Angelou sa mga tao, lalo na sa mga lalaki. Pinili niyang sarilinin ang lahat, umaasang balang araw ay malilimutan din niya ang bangungot na iyon.Ngunit paano kung ang gabing pilit niyang kinakalimutan ang mag-iwan pala ng pinakamalaking pagbabago sa kanyang buhay?Isang araw, natuklasan niyang buntis siya.Hindi niya kilala ang ama ng batang dinadala niya. Wala siyang mukha, pangalan, o kahit anong palatandaan na maaaring magturo sa lalaking responsable sa pagbabagong ito sa kanyang buhay.Hanggang sa makilala niya si Adam—isang lalaking mas bata sa kanya, kakaiba ang kilos, at tila walang ibang interes kundi ang mamuhay nang malaya. Sa unang pagkikita pa lang nila, ipinakilala ni Adam ang sarili bilang isang bading, kaya hindi kailanman sumagi sa isip ni Angelou na maaari siyang maging dahilan ng panibagong pagkalito sa kanyang puso.Ngunit sa likod ng magaan na personalidad ni Adam ay may mga lihim na hindi niya kayang ibahagi kaninuman.Sino ba talaga si Adam? Bakit tila may mga bagay siyang alam tungkol kay Angelou na hindi naman nito sinasabi? At ano ang mangyayari kapag ang mga maskarang suot nila ay unti-unting bumagsak?Dahil minsan, ang taong inaakala mong hindi kailanman magmamahal sa iyo ang siya palang pinakamahirap takasan.At ang pinakamalaking sikreto ay maaaring konektado sa gabing pilit mong kinakalimutan.
Unfold
ANGELOUS’S POV
“GISING NA, SENIOR CITIZEN! MAY MGA BATA PANG MAS MASIGLA SA ’YO!”
Napadilat ako dahil sa napakalakas na sigaw na iyon.
Sandali.
Pumikit ulit ako.
Baka panaginip lang.
“ANGELooooUS! ALAS SIYETE NA!”
“ADAM, PUTANG—!”
<……Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……