Faithfully
READING AGE 18+
Stacey Albano, daughter of the billionaire Zane Albano and one of the Princesses of Albano clan. Kung ganda lang ang pag-uusapan ay kuha na nito ang lahat ng katangiang iyon, bukod pa sa angking karismang sadyang taglay ng isang Albano. At tulad ng inaasahan, ang katulad nitong ipinanganak na may kutsara sa bibig ay kalimitan nang matapobre. Pero sa kabila niyon ay hindi nawala ang paghanga ni Marcus sa anak ng amo niya. Sa pagdaan ng panahon, ang paghanga ni Marcus ay hindi nawala, bagkus ay lalo itong umusbong sa kabila ng mga pang-aasar at pang-aapi sa kanya nito kasama ng mga kaibigan ng batang babae.
Nang tumuntong siya ng kolehiyo at kailangan nang umalis ng Tatang niya sa poder ng mga Albano ay nawalan na sila ng komunikasyon. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita sila sa isang bar kung saan ito nakikipag-away sa boyfriend hanggang mauwi ito sa pangangalaga niya nang bigla itong iwan sa gitna ng kalsada.
Dala ng kalasingan at damdaming dala-dala niya sa matagal na panahon, isang bagay ang nagawa niya na labis na ikinagalit ni Stacey. Ten months after that one-night-stand with the billionaire's daughter, isang malaking responsibilidad naman ang iniwan nito sa kanya.
Unfold
"Maganda ang bagong advertisement natin ngayon, I never knew you're creative and rich with ideas," papuri ni Jayzee sa kanya sa bagong inilabas na advertisement ng Albano Air para sa launching ng Manila-Victoria na naidagdag sa mga hanay ng byaheng mayroon ang airlines. Si Marcus ngayon ang gumagamit ng opisina ni Stacey matapos niyang desi……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……