[THE GOVERNOR SERIES 5] The Governor's b***h
Siya ang asawa, pero sa buhay ng kanyang asawa ay siya ang pangalawa. Palaging pabor ang pamilya ni Garrie sa kakambal niyang si Carrie. Si Carrie ang sikat, si Carrie ang nagdadala nang yaman sa pamilya, si Carrie ang the best. Tanggap naman iyon ni Garrie. Suportado rin niya ang kanyang kakambal. Isa sa pinakasikat na artista at singer ng bansa ang kapatid. Pero sa tuwing nakakagawa ng mga hindi magandang bagay ang kapatid ay si Garrie ang sumasalo ng consequences upang hindi masira ang pangalan ni Carrie. Isang malaking iskandalo na naman ang napasok nito... hindi simpleng eskandalo. Lumabas sa publiko ang isang s*x video nito kasama ang isang sikat na gobernador. Sa takot ng kanyang magulang na masira ang pangalan ni Carrie ay lahat nang panghuhusga ay si Garrie ulit ang sumalo. Upang linisin ang kalat ay ipinaako ng kanyang magulang ang lahat sa kanya. Dahil nasa 'hot spot' din ang gobernador na lihim na karelasyong ni Carrie... nagmakaawa ang kakambal niya na pakasalan niya ang lalaki para mabaling sa kasal ang atensyon ng publiko. Dala ng awa at pagmamahal sa kapatid ay pumayag siya. Pero impyerno sa lupa ang nasuungan ni Garrie. Gusto niyang kumawala. Ngunit paano... kasal na siya sa gobernador na pag-aari ng kakambal niya. Makukuha pa nga ba niyang isalba ang sarili?
Unfold
Chapter 153 - Sassy
"Himala hindi ka lumabas?" puna ni Ma'am Garrie sa akin.
"Wala akong ganang lumabas, Ma'am Garrie. Wala na akong dahilan para gumala sa islang ito," malungkot na ani ko. "Hindi talaga ako type ng type ko. Ang sakit sa heart, ma'am," ani ko na may pahikbi-hikbi pa.
"Give up ka na?" umup……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……