Accidentally Pregnant By A Stranger
READING AGE 18+
BLURB
ACCIDENTALLY PREGNANT BY A STRANGER
Dalawang taon.
Dalawang taon na akala ni Jasmine Lopez ay totoo ang pag-ibig na ipinangako sa kanya ng boyfriend niyang si Marco. Hanggang sa isang gabi, nahuli niya itong may ibang babae at sa isang iglap, gumuho ang lahat ng pinaniwalaan niya.
Dabil sa sakit, galit, at kahihiyan, na nararamdaman niya nagawa niya ang isang bagay na hindi niya kailanman naisip na gagawin niya.
Uminom siya hanggang makalimot.
At ng gabing iyon, nagtagpo ang landas nila ng isang lalaking estranghero—si Anton Devier.
Pareho silang may tinatakbuhan. Pareho silang may gustong kalimutan. At sa gitna ng kanilang pagkalasing at sa isang gabing pagkakamali ang siyang magpapabago ng takbo ng buhay ni Jasmine.
Nagising siya kinabukasan na katabi ang isang estrangherong lalaki. Dahil sa takot at hiya niya ay agd siyang nagdesisyon na umalis.
Iniwan niya ang lalaking iyon habang mahimbing pa itong natutulog—dala lamang ang isang litrato ng mukha nito, para maalala kung sino ang lalaking nakauna sa kanya.
Akala niya iyon na ang katapusan ng gabing iyon.
Pero mali siya.
Dahil makalipas ang ilang linggo, matutuklasan niya ang isang lihim na tuluyang babago sa buhay niya.
Buntis siya. At ang ama ng batang dinadala niya…
ay ang lalaking hindi niya man lang kilala.
Paano kung muling pagtagpuin sila ng tadhana?
At paano kung ang lalaking iyon ay hindi lang basta estranghero—kundi isang lalaking may kapangyarihan at mundong hindi niya inaasahan?
Sa isang gabing pagkakamali, magsisimula ang isang kwento ng lihim, paghahanap, at pag-ibig na hindi nila planong maramdaman.
Ano ang mangyayari kapag nalaman ng estrangherong ama ang tungkol sa anak niya?
Unfold
JASMINE LOPEZ
Nahuli ko ang boyfriend ko na may ibang babae at sa gabing iyon, hindi ko alam kung alin ang mas gusto kong gawin: umiyak, magwala… o gumanti. Wasak na wasak ako dahil sa panlolokong ginawa sa akin ni Marco.
Gustong-gusto ko siyang sugurin at saktan pero hindi ko magawa dahil ayaw kong masampal ng katotoha……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……