Tatlong Magkapiling (SSPG)
Share:

Tatlong Magkapiling (SSPG)

READING AGE 18+

Tintang Itik Romance

0 read

WARNING! NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES. Sa isang prestihiyosong unibersidad sa Maynila, nabuo ang love triangle ng kambal na sina Jun, at Jin, sa isang dalagang nag ngangalang Claire. Lumaki ang kambal na sina Jin at Jun sa isang marangyang buhay kasama ang kanilang ina na byuda, matagal ng patay ang kanilang ama na si Ardy ngunit dahil sa wagas ang pag-ibig ni Angela sa kanilang namayapang ama, nanatili itong balo at hindi na na-asawa pa. Ginawang abala na lang ang sarili sa mga negosyo at binuhusan sila ng pagmamahal kaysa mag-asawa muli. Magkaibang-magkaiba ang kanilang ugali. Si Jin ay tahimik at mapanuri, samantalang si Jun ay masayahin at palabiro. Pero hindi mapagkaka-ila ang taglay ng bawat isa na kakaibang karisma. Magkamukha man sila dahil sila ay identical twins pero may kanya kanya silang nakaka-akit na katangian mapa-pisikal man o ugali.Sa kabila ng kanilang pagkakaiba, hindi maitatanggi ang matibay nilang ugnayan bilang kambal. Hanggang sa isang araw ay sinubok ng tadhana ang kanilang samahan na tila walang makakatibag. Dumating kasi sa buhay nila si Claire, ang babaeng naging kaklase nila sa huling taon nila sa kolehiyo.Kapwa sila nahulog sa kagandahan ng babaeng misteryosong ito. Maganda ito at mabait pero hindi nila alam kung saang probinsya galing. Sa kabila ng pagiging maganda at mabait ay tampulan ito ng tukso dahil sinasabing isa itong aswang. Dahil sa kakaiba nitong kilos, weird, tahimik, at ubod ng talino. Silang kambal ang nagsilbing tagapagtanggol ni Claire. Hanggang sa tuluyan nang nahulog ang loob ng kambal sa dalaga. At sila na mismong kambal ang nagkaroon ng sigalot dahil lamang kay Claire.Si Claire na tinutuksong aswang ay isa palang anak ng haciendera sa Tarlac. Anak siya ng mag-asawang Aya at Yves. Nakatira si Claire sa Hacienda Villoria. Sa kabila ng karangyaan at kayamanan sa hacienda, mas pinili nito ang mamuhay sa Maynila. Ito ang misteryo na gustong tuklasin ng kambal, bakit pilit na lumalayo si Claire sa marangya niyang buhay sa hacienda?

Unfold

Tags: love-triangleHEfatedsingle mothercampusenemies to loverslove at the first sight
Latest Updated
FINALE

FINALE

CLAIRE POV

Natapos na rin ang napakabusy naming wedding preparations. Napakasaya ng puso ko. Ang aking mommy, daddy, ang magiging mother-in-law, at husband-to-be ko ay kasama sa padaming pinagdaanan, pero sa wakas, ilang oras na lang at magiging si Mrs. Claire Villoria-Cruz na ako. Excited ako, kinakabahan, pero higit……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.