The Dangerous Vow
READING AGE 18+
It was supposed to be just a mission.
Isang misyon na nangangailangan kay Wena Marie Taborada na pumasok sa buhay ni Crane Fenway... isang makapangyarihang bilyonaryo na hindi basta nagtitiwala kaninuman.
Kailangan makuha ni Wena ang tiwala nito, mapalapit sa kaniya, at kung kinakailangan... pakasalan siya nito.
Kaya ginawa ni Wena ang lahat ng kailangan niyang gawin upang maisakatuparan ang misyon niya.
She lied about who she was. She made him trust her. And eventually, she became his wife.
Ang problema, habang lalong lumalalim ang kasinungalingang binuo niya, unti-unti namang naging totoo ang isang bagay na hindi kailanman naging bahagi ng kaniyang misyon.
She fell in love with him.
Sa unang pagkakataon, ang mga halik ay hindi na pagpapanggap. Ang mga pangakong binitiwan niya sa harap ng altar ay hindi na lamang bahagi ng trabaho. At ang lalaking dapat sana ay target lamang niya ay naging lalaking ayaw na niyang mawala sa kaniyang buhay.
But every lie has an expiration date.
At nang malaman ni Crane na ang babaeng pinakasalan niya, pinagkatiwalaan, at minahal ay pumasok lamang sa buhay niya dahil sa isang misyon, gumuho ang lahat ng pinaniwalaan niyang totoo tungkol sa kanilang pagsasama.
Ang hindi niya alam... matagal nang tumigil sa pagpapanggap si Wena.
Ngunit mayroon pang isang katotohanang mas mapanganib kaysa sa pekeng pagkakakilanlan nito.
Dahil habang pilit hinahanap ni Crane ang misteryosong babaeng pinaniniwalaan niyang may kinalaman sa pagkamatay ng kaniyang ama... hindi niya alam na matagal na pala niya itong natagpuan.
She was already sleeping beside him.
She was the woman he married.
At kapag nalaman ni Crane ang buong katotohanan, paniniwalaan pa kaya niyang minahal siya nang totoo ng babaeng nagsinungaling sa kaniya mula sa simula?
Si Wena nga ba ang taong pumatay sa ama ni Crane Fenway?
At kapag dumating ang araw na kailangan niyang mamili sa pagitan ng paghihiganti para sa kaniyang ama at ng babaeng minahal niya... will his love for Wena be enough to make him search for the truth, or will his hatred destroy them both?
Unfold
◄Crane's POV►
"I'm not sure if I can trust that woman inside my house, Damian."
Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang tatlong lalaking humahabol sa babaeng 'yon bago siya biglang tumawid at nabangga ng sasakyan ko. Hindi ko alam kung sino ang mga iyon, kung ano ang kailangan nila sa kaniya..……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……