BLACK SOCIETY S2: SHADOW
Share:

BLACK SOCIETY S2: SHADOW

READING AGE 18+

@fritzjs Action

0 read

🖤 PrologueAkala ng mundo... tahimik lang siya. Walang imik. Walang emosyon. Walang koneksyon. Pero sa bawat kilos niya — may dahilan. Sa bawat aninong dinaraanan niya — may misyon.Dahil siya si Drie Montecillio, a.k.a. SHADOW — co-founder ng Black Society, at ang pinakatahimik ngunit pinaka-mortal na banta sa dilim ng mundo. Isang half-Japanese business tycoon na may sariling imperyo sa teknolohiya, ngunit sa gabi, siya ang lalaking walang mukha sa ilalim ng itim na maskara — tagapaghatol ng mga makasalanan.Wala sa bokabularyo niya ang salitang "kalinga," lalo na ang "pag-ibig." Suplado. Presko sa itsura pero yelo sa pakikitungo. Laging nag-iisa, laging may sariling galaw. Ngunit lahat ng ito'y mababago nang makilala niya ang babaeng hindi niya mabasa — Nicole.---👤 She is Nicole... aka BLADE.Tahimik. Malamig ang mga mata. Maganda — sobra, pero simple. Sa bawat galaw ng kanyang katana, may kasamang bangungot at paghihiganti. Siya ang pinaka-brutal na assassin ng Black Society. Walang kaartehan. Walang drama. Pero may bangis na hindi kayang tumbasan ng kahit sinong lalaki.Sa mata ng publiko, isa siyang sikat na aktres at top model, palaging naka-smile sa harap ng camera. Pero sa likod ng maskara... siya si BLADE, anak ng dilim. Bata pa lang siya, biktima na ng kalupitan: pinaslang ang kanyang ina, ni-r**e ang ate, sinunog nang buhay ang ama. Simula noon, tinakwil niya ang kahinaan, at yumakap sa galit — hanggang sa iligtas siya ng Black Society at gawin siyang isa sa pinakamabangis nilang sandata.---💔 Misyon o Puso?Si Drie, ang lalaking hindi natitinag, ay unti-unting kinakalawang sa harap ni Nicole. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero bawat sulyap niya sa babae ay parang bumabalik sa kanya ang init ng damdaming matagal na niyang pinatay.Si Nicole naman, kahit pa boss niya si Drie, ay matagal nang may tinatagong damdamin. Ngunit sa kanya, bawal ang marupok

Unfold

Tags: familyHEmafiagangsterheir/heiresslosercampusoffice/work placeassistant
Latest Updated

📍BLACK SOCIETY SECRET TRAINING ISLAND

Sa malawak at isolated na isla ng Black Society, halos hindi makapaniwala ang mga bagong trainee sa mga nakikita nila ngayon. Sa harap nila—mga taong dati lang nilang naririnig sa balita, sa business magazines, sa mga top university rankings, at sa social media bilang mga top-tier influencers at……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.