Hinagpis Ng Puso
READING AGE 18+
BLURB
Sa gitna ng isang maingay na lungsod, sa isang magulong barangay sa Tondo nakatira ang mag asawang sila Ronald Funetebella at Samantha Mikaela Reyes. Nangungupahan sila sa isang apartment na hindi gaanong kalakihan. Para kay Samantha ay perpekto na ang pag sasama nila ni Ronald dahil ito ay mapagmahal, maalaga at responsableng asawa. Magkasintahan pa lamang sila ay alam niya nang magiging mabuting padre de pamilya si Ronald. Pero nag bago ang lahat nang magkaroon ito nang magandang trabaho sa isang kumpanya. Dahil sa sinasabi niyang pakikisama ay natuto siyang magkaroon ng bisyo sa una ay lagi silang nagpupunta sa bar para mag inom. Madaling araw na kung umuwi at laging lasing, natuto din siyang manigarilyo hang sa hindi niya namamalayan ay unti unti nang nagbago ang kanyang asawa.Hindi ito ang buhay na pinangarap niya noong magpakasal sila. Ang dating Ronald na palaging nagpaparamdam sa kanya na espesyal siya, ang Ronald na halos sambahin na siya dahil sa sobrang pagmamahal sa kanya ay biglang nag laho. Sa isang iglap ang dating pagmamahal sa puso ni Samantha ay napalitan ng pag hihinagpis at poot. Noong una kapag may hindi nagugustuhan sa kanya si Ronald ay puro masasakit na salita lamang ang natatanggap niya. Hanggang sa naging sampal sa bawat pagkakamali niya. At isang araw dumating si Ronald ng madaling araw at lasing na lasing at nanlilisik ang mga mata ay bigla na lang siyang sinaktan nito sampal, suntok at sipa ang inabot niya sa kamay ng kanyang mapang abusong asawa. Ang bawat araw ay naging kalbaryo sa buhay ni Samantha? Hindi niya alam kung hanggang saan siya dadalhin ng pagmamahal niya para kay Ronald? Hanggang kailan niya kayang tiisin ang pang aabusong ginagawa sa kanya ng kanyang asawa? May magandang bukas pa kayang naghihintay para kay Samantha? Makawala pa kaya siya sa tanikalang nag uugnay sa kanila ng kanyang asawa? Abangan ang masalimot na buhay pag ibig ni Samantha Mikaela Reyes sa buhay ng kanyang mapanakit na asawang si Ronald Fuentebella. Makatagpo pa kaya siya ng panibagong pag ibig? May dumating pa kayang lalaking na mag bibigay sa kanya ng halaga at handang mahalin siya ng hindi siya sasaktan?
Unfold
THIRD PERSON
Kahit gaano kasakit ang ginawa ni Ronald kay Mikay ay hindi niya magawang patayin ang dati niyang asawa. Binigyan niya ang mga ito nang pagkakataon para makatakas, sapat na sa kanya na maipakita sa dalawang taong nanakit at nagpahirap sa kanya na buhay siya at hindi na siya kagaya ng Mikay na inapi at pinahirapan nilang……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……