ANG LIHIM NG SITIO TINIEBLAS
READING AGE 16+
Dalawampung taon na ang nakalilipas mula nang huling humalik si Miles sa kanyang ama. Ang tanging bitbit na alaala ng kanyang ina ay ang huling destinasyon nito-ang misteryosong Sitio Tinieblas. Nagtungo roon ang kanyang ama upang asikasuhin ang burol ng kanyang lola, ngunit mula noon, tila nilamon na ito ng lupa at hindi na muling nagbalik.
Sa kanyang paghahanap sa katotohanan, lalakasan ni Miles ang loob na pasukin ang baryong kinalimutan na ng mapa. Ngunit sa kanyang pagdating, hindi lang mga sagot ang kanyang matatagpuan. Makikilala niya si Levi, ang anak ng makapangyarihang Alcalde, na magiging susi niya sa mga lihim ng lugar.
Kasabay ng pagtapak ni Miles sa lupain ng Tinieblas, magsisimulang magparamdam ang isang sinaunang sumpa. Ayon sa propesiya ng mga matatanda, ang muling pagdating ng isang "nawawalang dugo" ang maghuhudyat sa pagbabalik ng walang hanggang kadiliman.
Anong lihim ang itinatago ng mga naninirahan sa Sitio? At ano ang kinalaman ng pagkawala ng kanyang ama sa propesiyang nakatakdang magpabagsak sa langit?
Tunghayan ang isang kuwento ng paghahanap, sakripisyo, at ang nakapanindig-balahibong katotohanan sa likod ng kadiliman.
Unfold
"Magsimula na tayo," seryosong utos ni Maya habang nakatayo sa gitna ng silid.
Sa sahig, si Sam ay kabadong nakaupo sa loob ng isang malaking bilog na maingat na binuo nina Miles gamit ang magaspang na asin.
"Huwag na huwag ho kayong lalabas sa bilog na iyan, Kuya Sam," mahigpit na bilin ni Miles habang tinitiyak na walang awang p……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……