HOT ENGINEER: KURT JERRICK SALAZAR
READING AGE 18+
Naglakad ulit ako sa katirikan ng araw. Habang naglalakad iniisip ko ang kalagayan namin ng aking pamilya. "Kung mag-abroad na lang kaya ako. Mangatulong sa ibang bansa," bulong ko habang naglalakad. "Baka doon kami swertehin, baka makakilala pa ako ng foreigner na mapapangasawa ko. Baka foreigner ang nakatadhana sa a—Ay!" Sigaw ko sa gulat nang makarinig ako ng sunod-sunod na busina ng sasakyan sa aking likuran. Inis akong nilingon ito pero muli lang akong binusinahan. Aba't! Masama ko siyang tinignan kahit hindi ko naman makita ang driver sa loob ng sasakyan dahil tinted ito. Mga mayaman talaga, iba ang ugali!Bahala ka diyan! Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ako gumilid dahil sa gilid ay maputik na. Maghintay siya na malagpasan ko ang putikan bago ako gumilid. Muli siyang bumusina kaya muli akong huminto. "Ano ba!" sigaw ko dahil hindi na ako nakatiis. Nakakainis naman, e! Tinuro ko ang putikan at matalas na tinignan ang sasakyan, bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Nang makalagpas ako sa putikan, pinaharurot ng driver ang sasakyan dahilan upang mapaubo ako dahil sa kapal ng alikabok mula sa kalsada. Napaubo ako dahil may nakapasok pa sa bunganga ko. "Mayabang! Mayabang!" sigaw ko habang pinapagpag ang sarili ko. "Tatandaan ko ang plate number mo. Humanda ka talaga sa akin," bulong ko habang inis at padabog na naglalakad.
Unfold
Tinanghali ako nang gising kaya tinanghali din akong nakalagluto ng ilalako ko ngayon.
Malapit nang mag-alas onse nang dumating ako sa construction site.
Pumasok ako sa loob at nang makita ako ni Andrew agad niya akong nilapitan.
"Akala namin nagkasakit ka kaya hindi ka makapagtinda ngayon," aniya.
<……Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……