Hot Uncle Series #7: Uncle Wolfe (THE HIDDEN WIFE)
READING AGE 18+
“I was just his hidden wife for a year. When the c*ntract ended, he ignored me—unaware that we have a baby.”
***
Pinakasalan, binuntis, at iniwan.
Ganoon ang ginawa ni Wolfe Virelli—Chairman at CEO ng Farkas Apex, isang higanteng multinational investment company, sa inosente at disiotso anyos lang na si Tahti Veraluna.
Hanggang isang taon lang ang bisa ng pagiging mag-asawa nila. Iyon ang nakasulat sa kontratang pareho nilang nilagdaan, at may pinirmahan silang kasulatan upang mapanatiling sekreto ang tungkol sa pagpapakasal nila.
Nagtungo ng ibang bansa si Wolfe, at nang bumalik ito ay tahasan siya nitong inignora. Wala na siyang silbi rito dahil nakuha na nito ang gusto.
Paano niya sasabihing nagbunga ang pag-angkin nito noon sa kanya nang ialay niya ang katawan dito?Isa itong maimpluwensiya at kilalang tao sa buong mundo. Sino ang maniniwala na asawa siya nito? Sino ang maniniwalang ito ang ama ng anak na itinatago niya?
Sa pagbabalik nito ay nalaman pa niyang ito pala ay tiyuhin ng batang babaeng itinuring niyang totoong kapatid. Kapag natuloy ang napagkasunduan nila noong pagpapawalambisa sa kanilang kasal, ano na lang pala ang magiging papel niya sa buhay nito?
Dapat na lang ba niya itong tawaging, ‘Uncle Wolfe?’
Unfold
“What?” Kumunot ang noo niya.
Lumapit si Rheymond kay Avvi, at umakbay sa huli.
Nagulat si Tahti, nagulat silang lahat.
“Ang Tito ko at si Avvi na! Magiging Tita Avvi ko na ang kaibigan ko!” natatawang wika ni Charmz.
“Tita Avvi talaga?” baling dito ni Avvi.
“Tinanggap mo ang Tito Rheymond ko, ’di ba? Kaya Tita Avv……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……