Teaching The Billionaire How To Love
READING AGE 18+
Loren Ann Perez
Lumaking puno ng pagmamahal si Loren ng kanyang mga magulang.Mahirap man sila ay naibibigay naman sa kanya ang kanyang mga pangangailangan at naigapang siya sa pag-aaral.Nakapagtapos siya ng kursong edukasyon at sa awa ng Maykapal ay naipasa niya ang board exam ng maluwalhati.Sa paghihintay niyang makapasok ng trabaho sa gobyerno bilang isang pampublikong guro ay napagpasyahan niyang magpartime bilang isang tutor ng isang 6 year-old na batang lalake na nirekomenda sa kanya ng kanyang propesora sa universidad kung saan siya nakapagtapos. Ang inaakala niyang simpleng bata lang ang kanyang tuturuan magbasa ay isa pa lang napakakumplikadong trabaho dahil sa tiyuhin nitong ubod ng strikto,dominante at walang puso kung umasta.Mukhang hindi lang ang bata ang kanyang magiging tutee pati na rin ang tiyuhin nito, paano niya kaya mapapalambot si Lance Del Mundo, na isang kilalang tycoon monster na walang puwang ang pag-ibig sa puso nito kung hindi poot at galit? Mahuhulog kaya sa kanya si Lance na sa unang pagkikita pa lang nila ay nagpakita na ito ng disgusto sa kanya?
Lance del Mundo
Isang kilalang eligible bachelor na business tycoon.Sa edad na 30 ay nanatili itong binata at walang planong mag-asawa dahil na rin sa responsibilidad na naiwan sa kanya ng kanyang yumaong bunsong kapatid, ang anak nitong si Timothy. Siya ang nagsisilbing legal guardian ng bata dahil ulila na rin siya sa magulang.Binuhos niya ang kanyang oras sa pagpapalago ng naiwang negosyo ng mga magulang na dahilan kung bakit madalas na hindi niya na nabibigyan ng oras ang pamangkin.Naghire siya ng tutor ng bata upang matuto itong magbasa ngunit hindi niya inakala na pati siya matuturuan matibag ang pusong matigas pa sa bato.Mapapaglabanan niya kaya ang namumuong pagtangi niya kay Loren o magpapatangay na lang kaya siya sa kakaibang alindog ni Loren sa kanya?
Unfold
Tila bumalik ako sa nakaraan habang pinagmamasdan ang dalawang nilalang na nagpapalitan ng "I do" sa harap ng pari na nagkakasal sa kanila.
Hindi ko mapigilang mapaluha. Parang kahapon lamang ako ang ikinasal na punong- puno ng sa saya at pag-asa. Iyon yata ang pinakamasayang yugto ng aking buhay, ang magpatali sa isang lalakeng aka……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……