The Zodiac Sister - Aqua (The Hot Engineer)
READING AGE 18+
Bata pa lang si Aqua Sullivan, pangarap na niyang maging katulad ng kanyang ate—ang iconic billionaire na si Gemini Sullivan. Sa apat na magkakapatid, si Aqua ang bunso. Noon pa man, napagkasunduan na ng kanilang pamilya na ipakasal siya sa bunsong anak ng matalik na kaibigan ng kanilang ama—Darius Durand.
Noon, okay lang kay Aqua. Magkasundo naman sila ni Darius, at tinatrato niya itong parang kuya. Limang taon siya noon, sampung taon si Darius. Pero habang lumalaki si Aqua, nagsimulang magbago ang lahat. Unti-unti niyang nakikita kung gaano ka-playboy si Darius—iba’t ibang babae, iba't ibang eskandalo. Hanggang sa tuluyan na niyang tutulan ang napagkasunduang kasal.
Pagkatapos ng high school, kinausap niya ang kanilang ama. Gusto niyang lumipad patungong Amerika para doon mag-aral, kasama ang kanyang ate na si Gemini. Hindi na niya kayang masaksihan araw-araw ang kasinungalingan at mga babaeng dumadaan kay Darius. At dahil mahal siya ng kanyang ama, pinayagan siya.
Samantala, si Darius ay tuloy lang sa pagiging Casanova. Sa isang hindi inaasahang pangyayari, nabuntis niya ang isa sa mga babaeng naka one night stand niya. Hindi niya ito pinakasalan—pero kinuha niya ang bata sa pangangalaga, kapalit ang pera. Sa murang edad, naging single dad si Darius.
Habang lumilipas ang panahon, naging matagumpay si Aqua sa larangan ng engineering. Isa na siya sa mga pinaka-in-demand na civil engineers hindi lang sa U.S., kundi sa buong mundo. Samantala, si Darius ay naging CEO ng isa sa pinakamalalaking construction firms sa Pilipinas.
Hanggang isang araw, sa isang may isang malaking proyekto ni Gemini—magpapatayo siya ng isa pang Tower at gusto niyang si Aqua ang maging lead engineer. At ang kumpanyang hahawak sa konstruksyon? Pag-aari ni Darius Durand.
Muling magtatagpo ang kanilang landas. Muling kayang mabubuksan ang puso ni Aqua, magkakaroon kaya ng chance ang kanilang love story?
Unfold
Aqua's POV
Limang taong gulang pa lang ako nang ipagkasundo ako ng mga magulang ko sa anak ng best friend ni Daddy. Si Tito Gino iyon, at ang anak niya ay si Darius Durand. Walo lang siya noon, pero para kaming magnet na hindi mapaghiwalay.
Sa simula, magkasundo kami. Para akong baby sister niya. Lagi ……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……