CHASING AGENT KATANA: The ORBIT Series 6 (R-18+)
Share:

CHASING AGENT KATANA: The ORBIT Series 6 (R-18+)

READING AGE 18+

IronLady 2581 Romance

0 read

Bridgette Magtibay, anak sa labas ng isang mataas na opisyal ng Military. Ngunit lumaki siya na masaya at puno ng pagmamahal. Mayaman ang pamilyang pinanggalingan ng kanyang ina at marami silang mga negosyo sa Mindanao. Ngunit biglang nagbago ang lahat ng magkasunod na mamatay ang kanyang Lolo at pinakamamahal na ina. Biglang naging magulo ang kanyang buhay at tila naging kakambal din niya ang panganib. Dahil ito sa ampon na kapatid ng kanyang ina na gustong agawin lahat ang mga minana niya mula sa kanyang Lolo. Binalak din siyang pàtyin ng kanyang tito, upang masarili nito ang kayamanan ng kanilang pamilya, dahil wala itong nakuhang mana mula sa lolo niya.
Upang maging ligtas ang kanyang buhay ay nagdisisyon ang kanyang ama na i-uwi siya sa bahay ng totoong pamilya nito sa Manila. Inisip ng kanyang ama na matatahimik sila sa Manila, dahil malayo na ito sa Mindanao.
Ano ang magiging buhay ni Bridgette sa Manila, kasama ang kanyang mga kapatid sa ama? Paano kung siya mismo ang maging dahilan, kung bakit malalagay sa panganib ang buhay ng totoong pamilya ng kanyang ama? Makakaya ba niyang tiisin na makita silang nasasaktan at nahihirapan, para sa kanyang kaligtasan?
Police Chief Jonas Cajalne, kinatatakutan sa kanilang departamento, dahil sa husay niya sa kanyang tungkulin. Matinik sa mga babae, ngunit ayaw naman ng commitment. Playboy Cop kung tawagin, dahil sa daming babae ang naghahabol sa kanya. Ngunit isang araw ay natagpuan niya ang sarili na naghahabol sa isang babae na kasing tapang ng tigre, at hindi narunong matakot; kahit nasa gitna ng laban ay wala itong inuurungan.

Unfold

Tags: revengedarkHEfatedsecond chanceplayboykickass heroinestepfatherheir/heiressdramabxgkickingboldcitywarfriends with benefitswild
Latest Updated
ANNIVERSARY PARTY 2‼️


NAGMAMADALING inayos ni Chief Cajalne ang kanyang mga gamit, upang makaalis na siya sa kanyang opisina, nang biglang may marinig siyang magkakasunod na pagkatok sa pinto. Nagtataka siyang napatingin sa bumubukas na pinto, dahil wala siyang naaalalang mayroon siyang darating na bisita ngayon.


Ilang araw na niyang h……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.