[DOS SAAVEDRA] My Undesirable Love
READING AGE 18+
Makakaya mo bang magpakasal sa taong hindi mo kilala at hindi mo pa nakikita kahit na kailan?
Masasabing nasa kanya na ang lahat, mayaman, maganda at galing sa isang prominenteng pamilya. May masayang pamilya at may perpektong buhay na hinahangad ng kahit na sino man.
Siya ay si Verena Anderson, 24 year's of age at anak ng isang Congressman.
Siya ay ipinagkasundo ng kanyang Ama na maikasal sa anak ng kanyang kumpare na si Hanz Saavedra.
Pilit niya itong tinutulan kaya noong dumating ang nakatakdang araw ng kanilang kasal, siya ay tumakas. Ngunit sa kanyang pagtakas, dito niya malalaman ang isang masakit na katotohanan.
Nahuli niya ang kanyang boyfriend at ang best friend nitong si Mia na magkasama sa iisang kama.
Si Mia na halos kapatid na kung ituring niya. Dito niya napag-alaman na matagal na pala siyang niloloko ng dalawa.
Dahil sa sama ng loob niya sa dalawa, siya ay nagpunta sa isang bar para magpakalasing.
At nangako sa kanyang sarili na kung sino man ang unang lalake na lalapit sa kanya kapag nalasing na siya ay siyang pagbibigyan niya ng kanyang virginity.
At ang pangakong iyon ay natupad nga, naibigay niya ang kanyang sarili sa isang estranghero.
Lumipas ang dalawang buwan, nalaman niyang siya ay nagdadalang tao. Dahil sa labis na kahihiyan, at dahil sa galit ng kanyang mga magulang siya ay mapipilitang lumayo.
Ngunit sa paglipas ng maraming taon siya ay babalik para sa kanyang Amang may sakit.
At sa kanyang pagbabalik, dito niya malalaman ang isang nakakagulat na rebelasyon.
Anong buhay ang naghihintay sa kanilang mag-ina? Paano kung sa ikalawang pagkakataon muling sirain ni Mia ang kanyang buhay?
Hanggang saan ang kakayanin niya para ipaglaban ang taong mahal niya?
Makakaya ba niyang isukong muli ang kanyang pag-ibig sa ikalawang pagkakataon? O pipiliin niyang ipaglaban ito kahit pa ang kaagaw niya ay ang mismong kaibigan niya?
Unfold
VERENA'S POV:
THIS is probably the happiest day of my life. The day that I've been waiting for the most. The day when I can say that the man I love is now completely mine.
SA hinaba-haba man daw ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy, at iyon ang napatunayan ko ngayon.
Back then I really dreamed of a weddin……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……