Habang May Buhay
Share:

Habang May Buhay

READING AGE 18+

Yuna Hime LGBT+

0 read

Habang May Buhay
Yuna Hime (BxB)

BLURB:
Minsan sa ating buhay, may mga bagay talaga na hindi natin hawak. Mga bagay na hindi natin mapigilan. Mga damdamin na hindi natin mahinto sapagkat kusa iyong tumitindi at umaapaw. Kagaya na lamang sa pagmamahal natin sa isang tao.

Ilang taon na ang lumipas magmula nang makalaya si Sancho sa bilangguang naging saksi ng kaniyang mga paghihirap at pagkabigo. Nang dahil sa isang kasalanan na nagawa niya lamang para protektahan ang taong malapit sa kaniyang puso; sa kaniyang pagbabalik ay ipinangako niya sa kaniyang sarili na ilalayo ito sa lahat na maaring makapanakit dito. Sila ay nagsama at nagkubli sa lugar na hindi sila kilala ng kahit sino. Doon ay magsisimula silang muli at doon din matatagpuan ni Sancho ang taong babaliktad sa kaniyang mundo at babaliko sa kaniyang mga prinsipyo.

Anak ng Gobernador at mula sa maimpluwensiyang pamilya, lumaki si Taira na lahat ng kaniyang galaw ay kontrolado at kinakailangan na mayroong malinis na imahe sa harap ng mga tao. Ignorante sa mga bagay na hindi sakop sa kanilang katayuan sa lipunan, lahat ng iyon ay kaniyang makakamtan sa pagtatagpo nila ni Sancho. Si Sancho ang bagong bodyguard na inatas ng kaniyang ama para siya ay mabantayan at protektahan. Ang nararamdamang pilit ikinukubli, tuluyan na kaya niyang alabas sa oras na mabalot siya ng kakaibang damdamin para sa binatang may ibang pinaglalaanan ng buhay nito at mga sakripisyo?

Hanggang saan nga ba sila dadalhin ng kanilang mga damdamin? Handa kayang muli si Sancho na makulong ngunit sa pagkakataong ito ay sa pagmamahal ng isang tao? Handa kayang ipaglaban ni Taira ang kaniyang damdamin para sa binatang bumihag sa kaniyang puso?

Habang ikaw ay nabubuhay, para kanino mo ito i-aalay?

Unfold

Tags: othersothersstudentdramabisexualrealistic earthothersslice of life
Latest Updated
WAKAS

WAKAS

“Nabasa mo na ba iyong libro?”

“Ay, oo! Deserve na deserve talaga no’n ang Best Published Book of the Year. Grabe ang iniyak ko no’ng mabasa ko. Gulat ako sa ending. Pero ang ganda lang! Ang galing ng nagsulat…”

“May sabi-sabi na hango raw iyon sa totoong buhay, totoo kaya?”

……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.