The Designer From Sugarcane Field to the world(Marga  Story)
Share:

The Designer From Sugarcane Field to the world(Marga Story)

READING AGE 18+

Whisper by Airah Romance

0 read

‎Sampung Milyong Piso kapalit ng paglayo ko sa lalakeng mahal ko o ang buhay ng buo kong pamilya ang sisirain niya
‎Ako si Marga, anak ng isang dukhang tabasador sa Bacolod. Sa mundo naming gawa sa kawayan at nipa, ang kumain ng dalawang beses sa isang araw ay isa nang napakalaking swerte. Sanay ako sa gutom, sa hirap, at sa usok ng nakakapaso naming bukid.
Ngunit noong walong taong gulang ako, isang matinding sunog sa tubuhan ang halos pumutol sa buhay namin ng aking bunsong kapatid. Sa gitna ng naglalagablab na apoy, isang mayamang batang lalaki ang sumagip sa amin at nag-iwan ng isang simpleng silver star necklace kasama ang isang pangakong hinding-hindi ko nakalimutan:
‎Magsikap ka. Kapag lumaki na tayo, babalik ako rito para sa 'yo.
‎Lumipas ang labing-isang taon. Sa kabila ng matinding dusa at sakripisyo ng aking pamilya, nakatayo ako bilang Class Valedictorian. At sa mismong araw na iyon, muling dumating ang tadhana si Ethan Monteverde, ang bilyonaryo at makapangyarihang CEO na nagligtas sa akin noon, ay nakatayo na sa aking harap.
‎Tinupad niya ang kanyang pangako. Hinanap niya ako para ipaglaban ang pag-ibig na matagal niyang iningatan.
‎Ngunit sa mundo ng mayayaman, ang isang tulad kong nagmula sa putik ay walang karapatang magmahal ng tulad niya.
‎Haharapin ko ang kanyang donyang ina na itinapon sa aking dibdib ang milyon-milyong pera para lang durugin ang aking dangal. Sisirain nila ang pamilya ko, tatanggalan ng trabaho ang tatay ko, at ipapatapon kami sa kangkungan kapag hindi ako sumuko.
‎Mabibili ba ng salapi ang pag-ibig na isinilang sa gitna ng apoy O handa kaming dalawa na isuko ang lahat maging ang bilyun-bilyong yaman para lang sa isa't isa.

Unfold

Tags: forbiddenHEdramacampus
Latest Updated
Chapter-38

Isang linggo matapos ang matagumpay na Cultural Expo sa unibersidad, pormal nating sinimulan ang unang pamamahagi ng mga bahay sa ilalim ng Dela Cruz-Monteverde Housing and Agricultural Settlement Project sa Lungsod ng Bago. Ang dating bakanteng lupain na malapit sa gilid ng ating pangunahing plantation ay nagbago na ang anyo at tinayo ri……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.