SECRETLY IN LOVE WITH MY NINONG
READING AGE 18+
Blurb
SECRETLY IN LOVE WITH MY NINONG
Si Eli Garcia ay lumaki sa isang BROKEN FAMILY—bata pa lamang siya nang iwan siya ng
kanyang mommy sa kanyang daddy. Mayaman ang kanyang Daddy, samantalang ang kanyang
Mommy ay naninirahan na sa Amerika kasama ang kanyang bagong pamilya.
Noong panahon na magsisimula na siyang mag-aral, ipinadala siya ng kanyang daddy sa
Amerika para doon makapagtapos ng pag-aaral. Matapos makatanggap ng degree sa
abogasya, agad siyang umuwi sa Pilipinas para tulungan ang kanyang daddy sa pamamalakad
ng kanilang mga negosyo—dahil ito ay may malubha ng karamdaman.
Akala ni Eli ay magiging madali na lamang para sa kanya ang pamahalaan ang kanilang
negosyo, ngunit hindi niya inakala na ang kanyang buhay ay magiging lubhang kumplikado
nang ipakilala sa kanya ng kanyang daddy ang kanyang kasosyo sa negosyo at ninong nito na si Cree de Asis.
Ibinilin siya ng kanyang ama kay Cree para turuan siya ng tamang paraan ng pagpapatakbo ng
kanilang mga negosyo. Akala ni Eli ay matanda na at puno na ng puting buhok ang kanyang
ninong—gaya ng karaniwan niyang nakikita sa mga nasa edad na 50 pataas. Hindi niya inakala
na ang ninong niya pala ang masasabing pangarap ng bawat kababaihan, dahil sa angkin nitong
kagwapuhan at makisig na pangangatawan. Hindi niya inasahan na ang lalaking ito pala ang
magiging dahilan para magising ang kanyang natutulog na puso at magbabago sa takbo ng
kanyang buhay. Dahil sa pagiging isnabero nito at di pinapansin ang beauty niya, nag plano siya
na pasimpleng akitin ang kanyang ninong.
Ngunit sa tuwing siya ay gumagawa ng paraan para mapansin, lalo lang siyang kinaiinisan ng
kanyang ninong Cree. Paano kung may ipakilala itong kasintahan sa kanya? Paano niya
tatanggapin na ang lalaking kanyang gusto ay mayroon nang minamahal at malapit nang
ikasal? May pag-asa pa bang masabi niya ang kanyang lihim na nararamdaman sa kanyang Ninong?
Kakayanin kaya ni Cree de Asis na pigilan ang sarili na huwag mahulog sa bitag na mismong
ginawa ng kanyang inaanak na ngayon niya lang nakilala? Hanggang kailan niya kayang
labanan ang pagkaakit sa kanya ni Eli? Maaari ba niyang balewalain ang dalaga dahil sa
kanilang ugnayan bilang mag Ninong at dahil sa paniniwalang hindi sila pwede?
ABANGAN ANG KANILANG KWENTO SA SECRETLY INLOVE WITH MY NINONG.....
Unfold
ELI GARCIA
“Hindi ko na talaga kaya, Manuel! Pagod na pagod na ako! Maghiwalay na tayo!”
Malinaw na malinaw kong narinig ang boses ni Mommy mula sa kabilang silid.
Limang taon pa lang ako noon, pero kabisado ko na ang tunog ng galit sa boses niya—parang kulog na biglang bumabagsak sa gitna ng tahimik……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……