MY WIFE IS A SECRET ASSASSIN -SAMARA BRIGHT- GELLER
Share:

MY WIFE IS A SECRET ASSASSIN -SAMARA BRIGHT- GELLER

READING AGE 18+

Missrah Romance

0 read

"Pagkain nga binabalot ko, puso mo pa kaya?"
Samara Bright
"Hoy, haliparot na babae! Tulala ka naman? Ano ba 'yang iniisip mo ha? Mukhang malaki talaga ang problema mo ah?" Biglang naputol ang pagmuni muni niya nang bigla siyang hampasin sa ulo ni Cathalea Valkyre Mondragon.
Nasa condo unit siya ngayon na regalo sa kanya ng kuya Rhenz niya noong kaarawan niya. Hindi man lamang niya napansin na dumating na pala ang kaibigan niyang pinagpala galing sa honeymoon nito at imagine, sa isang private yacht pa ah? Nakakainis ang bruha niyang kaibigan, ilang rounds kaya ang na-experience nito? Kung sinuswerte ka nga naman talaga. Napakaganda ng kaibigan niya pero syempre mas maganda pa rin siya.
"Mmm, malaki talaga ang mais ay este ang problema ko." aniya rito.
"At ano na naman 'yang problema mo?" tanong nito na umupo sa tabi niya. Nanonood siya ng news sa tv pero wala man lamang siyang naiintindaihan.
"Syempre, pinoproblema ko ang kagandahan ko na pinakaangat sa lahat! Hoy, kumusta ang honeymoon ninyo ni Levi?"tanong niya rito. Nakita niya ang pagkislap ng mga mata ng kaibigan dahil sa sinabi niya.
" Tsismosa! Syempre, masarap! "nakangiting sagot ng kaibigan niya sa kan'ya.
" Ano ba ang sadya mo rito ha? Para ipamukha sa'kin na wala akong jowa? "
" Samahan mo'ko punta tayo kay Mr. Chen! May bibilhin akong device. " anito sa kanya.
" Ah sige, tara! " sagot niya.
Gustong gusto rin talaga niyang puntahan ang tindahan ni Mr. Chen. Ang daming pasabog na mga baging device ng instik na yon.
Sumama na lamang siya sa kotse ni Cath. Hindi niya feel ang magmaneho sa araw na ito.
" Hello, Mr. Chen! " bati nila sa intsik na abalang nag-aayos ng bagong stocks sa istante nito.
"Ay kayo pala , ahh ako pala sarado na, alis na kayo lalo ka na, Samara. Good bye na, magsasara na ako." halatang pinapalayas na silang dalawa. "Lugi aking negosyo, kapag ikaw nandito kaya ako sara na lang."
"Ay, ikaw naman Mr. Chen ano'ng akala mo sa'kin pulubi? Hoy, intsik kapag ikaw pinatulan ko, ipapa raid ko itong tindahan mo! Wala ka ngang lisensya eh!" nakapameywang niyang sambit kay Mr. Chen.
"Hihihi, ikaw naman joke joke lang 'yun!' 'Di ka na mabiro, sa panahon ngayon, happy happy lang tayo para tayo hindi paralisado!" anito sa kanila.
"' Yang dila mo lang naman ang paralisado!" aniya sa instik.
"Naghahanap ako ng tracking device, Mr. Chen mayroon pa ba?" tanong ni Cathalea.
"Ah oo melon pa. Ito, maganda' to ah. Singsing,adjustable pa ito. Promo 'to ah, buy one take one pa! Two hundred fifty thousand pesos dalawa na."
"Pag isa lang?" tanong ni Cath sa lalaki.
Pangiti-ngiti si Mr. Chen habang nakatingin kay Cathalea. "Buy one take one nga, hina naman ng utak oh. Pag isa one hundred twenty five thousand pesos!"
"Ay, nalintikan na. Nagpa buy one take one ka pa talaga sa lagay na 'yan?" natatawang sambit ni Cath.
Pati siya ay napahalakhak na rin. Ang sarap tirisin ag intsik.
"Oh ano, bili ka na! May freebie pa' ko!" anito.
"Isa na lang, wala akong mapapala sa buy one take one mo na mas nakakahilo pa kaysa sa mga salita mo, Mr.Chen!"
Kinuha ni Cath ang cellphone nito at hiningi ang account number ni Mr. Chen.
"Oh, bayad na ah? 'Asan na ang freebies?"
"Teka lang," umalis muna ito at pumasok sa opisina nito.
"Oh eto na ang freebie mo, Cath! Hati kayo ni Samara ha?"
"Isang candy lang talaga ang freebie?" gulat na tanong ni Cath.
"Naku, Mr. Chen nahiya ka pa' ng hinayupak ka! Hinati mo na lang sana ang candy baka may bibili pa ulit mamaya! Ang sarap mng sipain pabalik sa China!" aniya sa intsik na pangiti-ngiti pa sa kanila.
"Kayong dalawa ang aarte ninyo. Dapat happy kayo 'di ba? Kayo na nga binigyan ng freebie, kayo pa galit! Hay, kayo pinoy talaga! Mabuti pa Jelai at Eloisa, mababait sila." nauutal nansambit nito.
"Nagtitiyaga na lang sila sa' yo no? Mabuti na lang hindi tayo friends dahil matagal na kitang inilibing sa buhanginan kung nagkataon talaga!" aniya sa intsik.
"Mabuti't wala kang girlfriend noh?" tanong ni Cathalea.
"Weh? Ako gwapo ah, may girlfriend ako dati pero ako iniwan lang niya." nakita niyang nalungkot ang mukha ng intsik.
"Sino ba naman ang magtatagal sa'yo noh? Mambubudol na nga pero napaka-kuripot mo naman!" malakas na sambit ni Cathalea rito.
"Kayo sakit magsalita talaga. Ako iniwan ng girlfriend ko kasi nung nagdate kami, ako nagdala pa baon para hati kami dalawa. Gusto niya bili softdrinks pero ako bili ice water." mahabang salaysay ni Mr. Chen.
Sabay silang napahalakhak ni Cathalea.
"Buti nga sa'yo!" aniya sa intsik.
"Kayo hindi mabait noh? Kayo lagi judgemental sa akin! Ako kuripot para maging mayaman. Hindi ako waldas pera kasi ako kuripot now, milyonaryo later. Kayo, gastos now pulubi later."
"Mr. Chen naman, kapag sa gf mo ibahin mo naman ang technique mo. Kahit ako ang babae, iiwanan talaga kita! Date 'yon tapos ikaw may baon? At pisong ice water lang ang budget mo? Walang hiya ka talaga!" mahaba niyang salaysay sa intsik.

Unfold

Tags: HEkickass heroinebillionairessheir/heiress
Latest Updated
Chapter 40- She loves him.

Tumungo naman silang mag-asawa sa restaurant ng nasabing hotel. May inorder na pala si France para sa kanila, of course kasama ang team nito sa station at kabilang na rito si Dheby, na feeling entitled dahil anak ng isang heneral.

"Boss, masara ito...you need to try this." inabot ni Dheby ang plato ng chicken curry kay France pero u……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.