Reclaimed
READING AGE 18+
Dahil sa isang aksidente ay nawala ang lahat ng memorya ni Charm Faye Velasquez. Tanging ang mga katagang binitiwan lamang ng kaniyang pamilya ang kaniyang pinaniwalaan simula nang imulat niya ang kaniyang mga mata.
Walang pumipilit na alalahanin niya ang nakaraan maliban kay Arnold Russel Velasquez na kaniyang kinikilalang nakatatandang kapatid. Ang lalaki ang kontrabida sa kaniyang buhay, ngunit hindi niya naman magawang magalit rito dahil sa hindi malamang kadahilanan. Ayaw rin silang paglalapitin ng kanilang mga magulang, para bang mayroong lihim na mabubunyag sa tuwing magkakadikit sila ni Arnold.
Naging malaking palaisipan sa kaniya ang bagay na iyon hanggang sa magsimulang pagsuspetsahan niya na ang lahat ng tao na parte ng kaniyang buhay.
Ano kaya ang matutuklasang niyang lihim ng kanilang pamilya? May kinalaman kaya iyon sa kaniyang aksidente?
At sino ba talaga si Arnold Russel Velasquez?
~x~
This is a STAND-ALONE ROMANCE novel.
©Maligaya
Unfold
Charm Faye Velasquez’s POV
xMaligaya©January 2022
“FAYE, Faye! Charm Faye!” Hingal na hingal akong napabalikwas sa aking pagkakahiga nang marinig ko ang nag-aalalang sigaw ng aking ina.
Tagaktak ang aking pawis sa noo at nanlalamig ang aking buong katawan nang mahigpit akong yakapin ni Mommy. ……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……