Boaz Collymoore
Share:

Boaz Collymoore

READING AGE 18+

QueenVie Romance

0 read

BLURB
Naniniwala si Debinna na kapag gipit ay sa patalim kumakapit. Dahil sa malaking perang na dispalko ng kaniyang Ina sa isang sugal ay kailangan niyang mag doble kayod para mabayaran ang mga utang nito. Nakilala niya si Rosario sa isang club kung saan nagta-trabaho siya bilang isa sa mga waitres doon. Inalok siya nitong maging isang con-artist. Kung saan magpapanggap siyang isang mayaman na babae para makapanghuthot sa matatandang negosyante. Minsan ay politiko at kung minsan naman ay matatandang binata o 'di kaya ay mga balo na.
Labag man sa loob ay kinailangan niyang gawin 'yon para makabayad sa lahat ng pinagkakautangan nila ng kaniyang Ina.
Hanggang sa nakilala niya si Don Mauricio Collymore isang mayamang negosyante na nagmamay-ari ng ekta-ektaryang lupain at hacienda sa Batangas. Agad silang nagkapalagayan ng loob kahit pa malayo ang agwat ng edad nila sa isa't-isa. Agad rin na nahulog ang loob ni Debi dito kahit pa maraming nagsasabi na hindi sila bagay na dalawa.
Ngunit hindi niya inaasahan na aayain siya nito ng kasal na hindi naman niya tinanggihan. Kahit pa ang totoo ay para lamang sa pera kaya niya tinanggap ang alok na kasal.
Akala niya ay magiging maayos na ang lahat ngunit bigla siyang nagkaroon ng isang malaking problema nang iuwi siya ni Don Mauricio sa hacienda nto upang ipakilala sa kaniyang mga kamag-anak at mga tauhan.
Doon niya nakilala si Boaz Collymoore na siyang anak-anakan ni Don Mauricio. Ang tanging lalaking hindi naniniwala sa totoong nararamdaman niya para sa kaniiyang Ama, bagkus ay pinaghihinalaan siya nito at pilit na pinapaamin sa tunay niyang hangarin sa Don.
Paano niya ngayon matatakasan ang gulong nasangkutan kung sa unang pagtatama pa lang ng mga mata nila ni Boaz ay humataw na ng malakas ang kaniyang puso.
Magagawa pa kaya niya ang planong magpakasal kay Don Mauricio, o mas pipiliin niya ang tinitibok ng puso?

Unfold

Tags: sexarrogantCEObillionairesssweetbxgvirgingorgeouspassionatewild
Latest Updated
Kabanata 8

Kabanata 8


Mission Passed



Huminga muna ako ng malalim bago ko buksan ang pinto ng suite. Matapos ay bumaling kay Mauricio na may ngiti sa mga labi.


"Pasok ka, pasensya ka na medyo makalat." Isa-isa kong niligpit ang ilang magazine at dyaryo sa lamesita kung saan kumukuha din kami n……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.