SITIO SINAKULO
READING AGE 18+
Halos maglabasan ang ugat sa leeg ni Jovannie dahil sa galit ng pabalang na sagutin siya ng kanyang bayaw, asawa ng nakababata niyang kapatid na si Lyka. Nagtungo kasi siya sa Sitio Sinakulo para lamang sunduin ito dahil sa kahilingan ng kanilang Ina na may taning na ang buhay.
"Kahit anong mangyari isasama ko si Lyka pabalik ng Manila!" mariing wika niya kahit pa tumanggi na ang lalaki.
"Hindi aalis si Lyka dito! Isa pa mamamatay na rin naman ang Nanay nyo! Wala na syang magagawa pa don!" tila nagliliyab sa galit na sagot nito sa kanya.
"Aba't tarantado kang hayop ka!" sa sobrang galit ni Jovannie nasuntok niya sa mukha ang bayaw. Ngunit laking panghihilakbot niya ng matalupan ang parte ng panga nitong tinamaan ng kanyang kamao. Naglaglagan doon ang mga uod na puti na tila sarap na sarap sa pagkain ng laman sa panga nito.
Tila demonyo itong ngumisi sa kanya. Ngunit mas lalo siyang kinilabutan ng unti-unting bumalik sa dati ang mukha nito. Nanlalaki ang matang nakatingin lang siya dito, kahit nais niyang kumaripas ng takbo hindi niya magawa. Tila nawalan ng lakas ang kanyang mga paa ng oras na iyon.
"Ngunit kung mahal mo talaga ang iyong Ina, dalhin mo sya dito sa SITIO SINAKULO! Dito mabubuhay siya kahit ilang daang taon pa! Bwahahaha!" wika nitong muli, sinabayan pa ng halakhak na tila sa isang demonyo na lalo namang nagpatindig ng kanyang balahibo.
Unfold
Malipas ang halos tatlong taon.
"Wow talaga po Tiyang Lyka pupunta tayo sa Jollibee?" masayang tanong ni Mira kay Lyka.
Tuwing Linggo kapag walang pasok sa trabaho si Lyka, maging sina Shaymay at mga kuya nito at wala ring pasok ang mga bata sa school pinapasyal talaga nila ang mga ito. Kumakain sila sa McDonald or s……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……