Diabolical Queen
READING AGE 18+
Ang mundo ay napupuno ng makakasalanang hindi alam ang tama at mali. Ito'y puno ng mga nilalang ng iba't iba ang mga iniisip at ninanais.
Paano kung ang ating mundo ay umikot lamang sa dalawang kagustuhan?
Ang mabuhay at ang mamuno...alin dito ang mas nanaisin mong abutin? Maaari bang dalawa ang iyong piliiin?
Isang araw ang payapang kadiliman ay nasira ng mga hiyawang humihingi ng saklolo. Saklolo ng mga taong makasalanan, makasalanang nais marinig ng mga taong minamaliit nila't inaalipusta. Ang mga inalipustang dinadama ang mga hiyawan na sakanila'y lumalabas.
Ang apoy ay kanilang kinakain, ang mga makasalnan ay kanilang pinapatay. Ngunit ano nga ba ang pagigign makasalanan? Ano ba ang nagawa ng mga makakasalanan?
Bago natin isipin ang mga iyan ay ipapaliwanag ko muna ang kasalukuyang nangyayari sa kwento.
Sa kanilang mundo ay may dalawang katungkulan, kung mayaman ka'y nasa taas ka at kung mahirap ka'y nasa baba ka. Ano nga ba ang pantayan sa pagiging mayaman at mahirap?
Pera? Bahay? Kagamitan? o Pamilya? Pag mamahal?
Iba-iba ang ating paniniwala ngunit ang mundong ito ay pera ang pantayan. Kung mahirap ka'y alila't mamaltratuhin ka, at kung mayaman ka'y magagawa mo ang lahat ng nanaisin mo sa buhay mo.
Ngunit isang araw isang bahay ang tinupok ng apoy at ang apoy na iyon ay kumalat sa lahat ng bahay. Matapos mapatay ang apoy ay nag labasan ang mga nilalang na nag aapoy at nag simula nang patayin ang mga taong makasalanan sa mga mata nila.
Ang kanilang napapatay ay kanilang nagiging alagad. Sila ay hindi kumakain ng tao dahil ang apoy ang kanilang kinakain, kain nga ba iyong kung tatawagin?
Ilang araw ang nag daan kumalat na ang mga nag aapoy na nilalang na iyon ngunit sa araw na din na iyon isang supling ang biniyayaan ng kakayahang hindi pantao. Si Acardianne Luis.
Unfold
Nagising ako matapos kong maramdaman ang mga titig saakin. Nag mulat ako ng mata at bumungad saakin ang kulay kremang kisame. Umupo ako at nakita ang isang propesor at si Flame na nakatingin saakin habang nag uusap.
"She's awake."turo ni Sir saakin.
"I can see that."tumayo si Flame at lumabas na.
……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……