THE MURDERER AND THE HEALER, MAFIA,DOCTORA
READING AGE 18+
Prologue“The calm before the bloodstorm.”Maalinsangan ang gabi. Tahimik ang paligid ng karagatan, pero hindi iyon sapat para ikubli ang tensyon sa hangin. Sa gitna ng dilim, isang yate ang dahan-dahang umuusad—hindi para sa kasiyahan, kundi para sa isang misyon. Sa ibabaw nito, nakatayo ang isang lalaki na tila malamig ang dugo, ang mga mata ay parang itim na ulap na walang kabuhay-buhay.Hades Greco.Isang pangalan na hindi binibigkas sa underworld kung walang kasamang takot. Mafia king. Killer. Business tycoon. Ang lalaking may kapangyarihang kayang magpasuko ng emperyo—o magpabagsak nito sa isang iglap. Sa bawat yapak niya, may katahimikang hatid ng kamatayan. Wala siyang awa. Wala siyang puso. At sa gabing ito, muli na namang magdurugo ang mundo."Dispose the traitors," malamig niyang utos sa kanyang mga tauhan, habang nakatanaw sa dagat. "Make sure walang bakas. I hate mess."Isang putok. Isa pa. Hanggang sa tanging narinig na lang ay ang alon ng dagat na dahan-dahang binubura ang ebidensya ng kasalanan.Pero bago pa siya makalayo, isang kakaibang tanawin ang tumambad sa kanya mula sa madilim na bahagi ng laot — isang katawan ng babae, palutang-lutang sa tubig. Walang malay. Sugatan. Halos wala nang hininga.At sa hindi maipaliwanag na dahilan, humakbang si Hades.Hinubad niya ang coat, tumalon sa tubig, at iniahon ang babae mula sa bangis ng alon.Hindi niya alam ang pangalan nito. Hindi niya alam kung sino ito.Pero sa unang pagkakataon sa matagal na panahon... ang hari ng kamatayan ay nagsalba ng buhay.
Unfold
Hindi tayo papayag na sirain tayo,” matapang na sabi ni Hades habang hawak ang baril, nakaharap sa mga armadong kalaban na papasok sa mansion.
“Loveleen, manatili ka sa likod ko. Hindi kita papabayaan.” Tumango si Loveleen, hawak-hawak ang kamay niya, kahit alam niyang delikado.
Biglang sumabog ang isang granada sa hara……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……