My Billionaire Boss Is My Ex-Husband
Share:

My Billionaire Boss Is My Ex-Husband

READING AGE 18+

WILDROSE16 NewAdult

0 read

Si Airam Pauleen Esplana ay isang simpleng dalaga, na nakatira sa lalawigan ng laguna, siya ay nakapag tapos ng dalawang taon sa kolehiyo sa kursong computer secretarial. Ang kanilang sakahan ang tanging pinagkukunan nila ng kinabubuhay. Ito ay naisangla noong naaksidente ang kanyang ama at nagailangan sila ng perang pambayad sa ospital. Ngunit ngayon ay malapit na itong it ng bangko dahil sa hindi na nila ito kaya pang bayaran.
Sa desperasyon ay tinanggap niya ang alok na kasal ng isang negosyante na nakilala niya sa pinagtatrabahuhan niyang club bilang isang waitress. Si William Miller isang bilyonaryong na nagpanggap lumpo, inalok siya nitong magpakasal sa kanya kapalit ng pag bibigay nito ng pera pantubos sa kanilang nakasanlang lupa.
Labag man sa loob ni Pauleen ay pikit mata niyang pinakasalan si William para lang matubos niya ang lupang nakasanla. Nagkunwari si William na may pagtingin siya sa dalaga para pumayag ito sa gusto niyang kasal. Ngunit nagulat ang dalaga ng matapos ang kasal nila ni William ay nalaman niyang hindi pala ito totoong lumpo at nagpanggap lamang. Paano niya tatanggapin ang panlolokong ginawa sa kanya ni William kung ang bawat himaymay ng pagkatao niya ay tanging pangalan na lang ni William ang isinisigaw.
Ang akala niyang masayang pagsasama nila ni William ay napalitan ng mga gabing punong puno ng lungkot. Hindi niya akalain na ginamit lamang siya ng lalaki para makuha ang kayamanan na pamana ng kanyang lolo. Dahil sa mga panloloko sa kanya ni William ay nagpasya na siyang iwan ito at mamuhay ng mag-isa. Nakipag hiwalay siya sa kanyang asawa at umalis sa bahay nila. Huli na ng malaman niya na nagdadalang-tao siya.
Paano kung muling mag krus ang landas nila ng dati niyang asawa? Magkaroon pa kaya ng second chance ang naudlot nilang pagmamahalan? May pag asa pa kayang masabi nila ang kanilang tunay na nararamdaman sa isa't isa? Paano ipaglalaban ni Pauleen ang kanyang pagmamahal kung ang lalaking itinitibok ng kanyang puso ay may mahal na palang iba? May pag-asa pa kayang mabuo ang pamilyang matagal niya ng inaasam?

Unfold

Tags: billionairecontract marriagefamilyHEage gapforcedsecond chancedominantheir/heiressdramasweetbxbgxglightheartedseriousoffice/work placemusclebearassistant
Latest Updated
CHAPTER 92

FINALE

Ilang taon pa ang lumipas,nakapagtapos na ang mga anak namin na sina Shylo at Yamir. Tinuturuan na namin sila kung paano magpatakbo ng kumpanya, pareho pa rin naman silang single. Gusto rin nila na sila ng dalawa ang magpatakbo  ng kumpanya namin para makapagpahinga na kami ng Daddy nila.

Nandito kami ngayon ni  ……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.