Alagwa, The Art of Letting Go
Share:

Alagwa, The Art of Letting Go

READING AGE 18+

Cara Althea ChickLit

0 read

WARNING! RATED SPG!

Teaser:
Sa murang edad, kakailanganing harapin ni Kahel ang pagkawala ng kaniyang magulang at nakatatandang kapatid na si Lila. Sa paghahanap sa nawawalang pamilya, ang dating marangyang buhay, ari-arian at koneksyon ay unti-unti ring mawawala sa kanila.

Sa kabila ng lahat ng mga pagsubok na mapagdaraanan nila, mananatiling matatag at puno ng pag-asa si Kahel alang-alang sa natitirang pamilya niya. Ang lolo at lola niya.

She'll move on and will live like a normal teenager. She will fall in love and eventually, will get pregnant at such a young age. Okay na sana ang lahat dahil nagmamahalan naman sila ni Frank at alam niyang pananagutan siya ng binata. Ngunit hindi niya inaasahan na bago pa man niya sabihin sa nobyo na nagdadalang-tao siya ay saka naman matatagpuan ang bangkay nito. For the second time, muling guguho ang mundo niya sa pagkawala ng taong mahal niya. Ng taong nagturo sa kaniya na muling magtiwala at magmahal.

Sa gitna ng trahedya, magugulat na lamang siya dahil magpaparamdam sa kanila ang ex-fiancé ng Ate Lila niya na si Conrad at ang siste, gusto nitong pakasalan siya alang-alang daw sa bata para hindi lumaking bastardo.  Ang akala niyang simula ng panibagong yugto ng buhay niya, iyon pala'y simula ng kalbaryo niya.

Pero hindi siya pupuwedeng sumuko. Kailangan niyang magtiis. Kailangan niyang maging matibay para sa batang nasa sinapupunan niya... at para din maprotektahan ang lolo at lola niya.

Ngunit sadyang magiging mapaglaro ang kapalaran sa kaniya. Susubukin nito ang tibay ng loob niya sa sandaling pati ang anak niya ay kuhanin naman sa kaniya.

Sa pagkakataong ito ay nakatakda nang magbago ang lahat sa buhay niya. 

Kailangan na niyang umalagwa sa dating siya. Kailangan na niyang umalagwa sa mga taong walang ibang dulot kundi pasakitan siya.

Pero paano kung dumating si Isandro? Ang lalaking nakatakdang bumihag sa puso niya sa ikalawang pagkakakataon at ituring siya tulad ng pagtrato sa kaniya ng yumao niyang nobyo na si Frank?

Makaalagwa kaya ang puso niya kahit pa madiskubre niya ang katotohanan ng pagkatao nito na itinatago pala nito sa kaniya, maging ang tunay nitong kaugnayan kay Frank at totoong motibo ng pakikipaglapit nito sa kaniya? O, iyon ang maging mitsa para ituloy na niya ang paghihiganti sa mga taong ginawang miserable ang buhay niya at nanloko sa kaniya kabilang na si Isandro na ngayon ay may hawak na ang puso niya?

BABALA!!!

*MAY ILANG BAHAGI NG KUWENTONG ITO ANG HINDI ANGKOP SA BATA. READ AT YOUR OWN RISK.
*MAY ILANG BAHAGI NG KUWENTO ANG MAY KAUGNAYAN SA DOMESTIC ABUSE, MENTAL HEALTH PROBLEM AT S*XUAL GROOMING. ANG MGA NABANGGIT NA TEMA NG PANG-AABUSO AT MGA GUMAGAWA NIYON AY PERSONAL KONG KINOKONDENA. KUNG MAARI PO SANANG BASAHIN NANG MAY PAG-IINGAT AT INTINDIHING MABUTI ANG SENSITIBONG BAHAGING IYON NG KUWENTO AT INTINDIHING MAIGI ANG ARAL NA NAIS KONG IPARATING SA MGA MAMBABASA.

Unfold

Tags: revengegoodgirldare to love and hatedramaabusesecretscrimerecklessaffairwife
Latest Updated
CHAPTER 1

PINUNO ko ng sariwang hangin ang dibdib ko habang nakatanaw sa walang-hanggang karagatan. Kasalukuyan akong nakatayo sa isa sa malalaking bato na nagbubukod sa private at public beach. I’ve been there for more than thirty minutes now at hindi ko alintana ang lamig ng hangin na dumadapo sa mukha at katawan ko.

It’s been four years since……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.