Mananatiling Ikaw (Filipino / Tagalog)
Share:

Mananatiling Ikaw (Filipino / Tagalog)

READING AGE 18+

Cara Althea ChickLit

0 read

MANANATILING IKAW
(A True to Life Story)
by Cara Althea

“O, pag-ibig na makapangyarihan, ‘pag ika’y pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.”

-Francisco “Balagtas” Baltazar (Florante at Laura)

***

1974. Sitio Sanlakas, Probinsya ng Pinagtipunan.

Sa unang sulyap pa lamang ni Leopoldo kay Crisanta noong araw na umabay sila sa kasal ng kani-kanilang mga pinsan ay tinamaan na ang binata sa dalaga. At sa ikalawang beses ng pagtatagpo nila sa isang lamay ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang binata, sinigurado niyang mahahalata ng dalaga ang pagtingin niya rito na hindi rin nalingid sa mga barkada nila.

Iyon ang simula ng batang pag-ibig nila na nakatakdang biruin ng tadhana at subuking hadlangan nang dahil sa isang matandaang kasunduan.

Paano kung hindi sapat ang pag-ibig nila sa isa’t isa upang ipaglaban ang pagmamahalan nila? Na sa kabila ng tapang at kahit pa nga pagsusugal ng buhay ni Leopoldo para lang mapatunayan ang wagas niyang pag-ibig sa dalaga ay ilayo at itago pa rin ito ng matatanda dahil nakatakda na itong ikasal sa iba?

Paano kung ang paglaban at labis na pagtanggi ni Crisanta sa kasunduang unti-unting pumapatay sa kaniya ay mawalan din ng saysay dahil sa pakiusap na rin mismo ng kaniyang sariling ina upang hindi na dumanak pa ang dugo sa angkan nila at upang hindi na rin mapahamak si Leopoldo, ang lalaking tunay na sinisinta at pinakamamahal niya?

Tuluyan na kayang matutuldukan ang pag-ibig na inakala ng lahat ay panghabam-buhay oras na matali na sa ibang lalaki si Crisanta?

O, biruin kaya silang muli ng tadhana at subukin kung makakaya nilang hanggang sa huli ay sila pa rin? Na sa kabila ng lahat, mamumutawi pa rin sa kanilang mga labi ang pangako sa isa't isang, "MANANATILING IKAW!"

Unfold

Tags: friends to loversarranged marriageinspirationalstudentdramahighschoolsmall townfirst loveschoolpassionate
Latest Updated
KABANATA 2

PAGKATAPOS makipagkamay at makilala ni Leopoldo ang dalagang nagngangalang Crisanta na may palayaw na Cris ay siya namang balik ng maglilitrato at hinimok silang magpalitrato. Siya, si Crisanta, Berting at ang isa pang abay na si Analita na nakilala na niya kagabi sa ensayo ng pagmamartsa nila sa kasal. Pagkatapos ng ilang litrato ay tinawag pa ……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.