His Brainless Maid Is An Assassin
Share:

His Brainless Maid Is An Assassin

READING AGE 18+

alfiellore Action

0 read

Isa si Jordan sa mga lalaking ayaw magkaroon ng kasambahay dahil iniisip nito na baka spy ang makuha niya na maaaring sumira sa kaniya, sa pamilya niya o ‘di kaya'y sa mga kaibigan niya. 


Isa lang talaga ang pinagkakatiwalaan nito at ‘yon ay walang iba kun'di si Aling Tasing. Ang Yaya niya na nagpalaki sa kaniya na araw-araw nagrereklamo dahil hindi na nito kinakaya ang mga trabaho sa loob ng bahay niya lalo pa't kuba na ito dahil sa katandaan. 


Isang araw, umalis ito para mamalengke pero pagbalik nito ay may kasama na itong babae na marumi, 'di maipinta ang mukha at puro pa sugat ang katawan. 


Nang tanungin niya si Aling Tasing kung saan nito napulot ang babae ay hindi siya nito sumagot bagkus ay tinarayan pa siya nito at pinapili. 


Kapag hindi niya raw tinanggap ang babaeng kasama nito dito sa bahay niya ay lalayasan daw siya nang matanda para maranasan niya raw kung ano ang nararanasan nito.  


Dahil doon ay pikit-mata niyang tinanggap ang babaeng kasama nito na nagngangalang Petra Paraiso.



Ang babaeng magbibigay sa kaniya ng walang hanggang problema pero hindi niya mapaalis-alis dahil kay Aling Tasing. 


Paano kung sa kabila ng paghahanap niya ng dahilan para mapalayas ito ay matuklasan niya ang lihim ni Petra? 


Palalayasin niya pa kaya ito o poprotektahan ito mula sa mga taong nais itong burahin sa mundo?



Unfold

Tags: HEopposites attractsweetoffice/work placeassistant
Latest Updated
C-20

Habang nagmamaneho siya ay panaka-naka niyang tinitingnan si Petra dahil seryoso itong nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan niya.

“Señorito, p'wede niyo po bang bagalan ng kaunti?” tanong nito nang hindi siya nililingon.

“Bakit?”

“Kumukulo po kasi ang tiyan ko,” nakangiwi nitong sabi habang sa labas p……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.