When Fates Collide (FATE series #1)
Share:

When Fates Collide (FATE series #1)

READING AGE 18+

Fernzdel Romance

0 read

WARNING: THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT, VIOLENCE AND STRONG LANGUAGE. READ AT YOUR OWN RISK.

Ang aksidenteng pagkakabungguan nina Lance at Catalina ay naging hudyat din ng kanilang pagkadisgusto sa isa't isa. Dagdag pa ang kaalamang magkaklase sila at magkakompetensya.

Si Lance Alvarez ay tahimik, matalino at medyo suplado, at si Catalina Santiago naman ay maingay, matalino at masiyahin. Halos lahat sa kanila ay opposite pero sa katalinuhan naman ay nagpapaligsahan. Kaya naman talagang wala silang pinagkakasunduan.

Ngunit dahil sa walang kamatayang kasabihang "the more you hate, the more you love", natagpuan nalang nila ang mga sariling nahuhulog na sa isa't isa.

Maraming pagsubok man ang kanilang pinagdaanan, pag-ibig ang nagbuklod sa kanila upang manatili sa piling ng isa't isa.

Ngunit ang sumunod na pangyayari ay hindi nila kailanman inasahan. Pareho silang nalagay sa kapahamakan. Ngunit ang pagliligtas ni Lance sa kanya ang naging sanhi ng muntik na nitong ikinalagay sa kamatayan.

Nagising siyang wala na si Lance sa kanyang tabi. Nalaman nalang niyang nasa America ito at na-coma.

Matagal siyang naghintay sa muling paggising nito. At nang mangyari iyon ay abot langit ang kanyang tuwa at agad na pinuntahan ito.

Sa muli nilang pagkikita, blangko at nagtatakang itsura nito ang kanyang nabungaran.

"Who are you?"

Walang kasing sakit ang marinig iyon. Ngunit wala na yatang mas sasakit pa sa kaalamang hindi siya nito maalala. At dinoble niyon ang sakit nang sa sandaling iyon ay maling babae ang hinahanap nito.

Umuwi siyang luhaan at durog ang puso. Sinubukang maghintay nang maghintay.

Lumipas ang ilang taon, walang Lance na nagpakita sa kanya.

Sa paglipas muli ng mga panahon, kung kailan tanggap na niyang wala na talaga, saka naman ito muling nagpakita.

Para ano? Para muli nitong iparamdam sa kanya ang sakit na ngayon ay naghihilom na sana?

Unfold

Tags: fatedsecond chancedramasweetbxggeniuscampusenemies to loversschoolengineer
Latest Updated
SPECIAL CHAPTER

"TODAY is family day!"

"Yey!" tuwang tuwa ang limang taong gulang na si Lance Joseph dahil aalis silang buong pamilya papunta sa mall at buong hapong mamamasyal, manonood ng gusto niyang cartoon movie, maglalaro sa play ground at archades, at kakain sa paborito niyang restaurant.

Minsan lang iyon nangyayari kaya naman tuwang tuwa siy……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.