DIWATANG WALANG DANGAL (SSPG)
READING AGE 18+
Paano kung ang dangal na buong buhay mong iningatan… ay siya ring bagay na sinira nila at ngayon, babawiin mo pabalik, kasama ang dugo, hiya, at pangalan nila?Si Mutya, ang dating dalagang kay-linis, ngayo’y babaeng natutong sumayaw sa dilim. Ang katawan niyang minsang ninakawan ng dangal ay naging sandata pang-akit, pangbitag, pangganti. Sa entabladong maliwanag pero kaluluwang madilim, itinuring niya ang sarili bilang lason na nakabalot sa lambing. Ang bawat haplos niya ay plano ang bawat ngiti niya ay patib0ng. At hindi nila alam, ang babaeng inaangkin nilang laruan ay ang multong babawi sa lahat.Si Sev, ang lalaking minsang nagkamaling hawakan ang isang bagay na hindi sa kanya ang dangal ni Mutya ay nahulog sa apoy na hindi niya naintindihan. Nabighani siya kay Mutya, hindi alam na siya ang apoy… at siya rin ang unang sinunog nito.Pero paano kung sa pagganti ni Mutya, may isa pang bagay ang nawala? Hindi lang dangal kundi puso. At paano kung ang lalaking dapat niyang patayin… ay siya ring tanging nakakapagpabuhay muli sa kanya?Sa mundong ang dangal ay inaagaw, nilalapastangan, at minsan… binabalikan nang may halong halay at paghihiganti sino ang unang bibigay?Ang biktima?O ang demonyong minahal niya?
Unfold
THIRD PERSON POV
Lumipas ang ilang oras. Alas kwatro na ng madaling-araw. Tahimik na ang OTTS Bar, kakasarado lang patay na ang ilaw sa entablado, wala na ang sigawan, at ang natira na lang ay ang pagod na nakapatong sa mga katawan.
Sa maliit na kwarto sa itaas ng bar, mahimbing nang natutulog sina Darna at Mutya……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……