Somewhere In My Past (The Mystical Journey)
READING AGE 18+
Dalawang babaeng parehong bigo sa pag-ibig ang pagtatagpuin ng kapalaran.
Magtatagpo ang landas nina Valerie Heart Hernandez mula sa kasalukuyan at ni Valentina Guevara mula sa nakaraan.
Ano ang buhay na naghihintay sa dalawang babaeng galing sa magkaibang panahon?
Ano ang magiging ambag nila sa buhay ng isa't -isa?
* * *
Si Valerie Heart Hernandez isang mapagmahal na anak at mapagmahal na kapatid.
Ginawa ang lahat para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang Inang may sakit at isa nitong kapatid.
Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral mula sa kanyang sariling pagsisiskap. Siya ay naging isang guro dahil iyon ang tanging pangarap niya.
Siya ay sobrang masayahin, at sa likod ng kasiyahan at magandang ngiti sa kanyang mga labi—sino ang mag-aakala na siya pala ay may lihim at iniindang matinding karamdaman.
* * *
Si Valentina Guevara ang babaeng nagmula sa nakaraan. Siya ay galing sa may kayang pamilya at siya ay may kasintahan na lubos niyang minamahal.
Siya ay Ramonsito Elustre—isang anak maralita at tutol sa kanya ang pamilya ni Valentina.
Siya ay nakatakdang ipakasal sa isang anak ng Heneral. Mariing niya itong tinutulan. Kaya siya ay nagpasya na makipagtanan sa kanyang kasintahan na si Ramonsito sa mismong araw ng kanyang kaarawan.
Pebrero katorse taong isang libo't siyam na daan.
Ngunit isang masalimuot na pangyayari ang nakatakdang maganap. Sa kanilang pagtakas dito mag-uumpisa ang kanilang masalimuot na buhay.
Dahil sa wagas na pag-ibig handang isuko ni Valentina ang kanyang buhay alang-alang sa kanyang sinisinta na si Ramonsito.
Walang kamalay-malay ang dalaga sa lahat ng mga nangyari. At sa kanyang muling paggising siya ay lubos na mangungulila sa kanyang minamahal.
Galit at poot ang kanyang naramdaman dahil sa pag-aakalang siya ay tuluyang kinalimutan ng lalakeng minsan ay inalayan niya ng kanyang buhay. Ang lalakeng minsan ay minahal niya ng lubusan.
* * *
Ang dalawang babaeng parehong bigo sa pag-ibig pagtatagpuin ng kapalaran. Ano ang magiging papel ni Valerie Heart Hernandez sa buhay ni Valentina Guevara?
Unfold
"Nothing to worry Tita, she's fine. Hinimatay lang po si Heart. Maya-maya po ay magigising na din po siya." Muli ay paliwanag ni Doc Thirdy kay Aling Martha na noon ay labis-labis ang pag-aalala para sa anak.
Mula Las Piñas ay bumyahe kaagad ito patungong Ilocos ng matanggap nito ang balita ukol sa nangyaring pamamaril sa kanyang as……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……