His Favorite Enemy
READING AGE 18+
“Dumating na si Athena sa bahay nila Mang Tonyo. Hindi ka ba pupunta doon, Kent?” tanong ng Itay niya. Galing siya sa bukid dahil panahon na ulit ng pagtatanim ngayon.
Tinanaw niya ang kabilang bahay. Naroon ulit ang magagarang sasakyan. Sa balintataw niya ay naroon si Athena, suot ang magarang damit, mamahaling alahas, at lahat ng materyal na bagay na hindi niya kayang ibigay.
“She loves you, Kent, she’s willing to stay for you. Pero ako ang nakikiusap na palayain mo muna ang anak ko para maranasan niya muna ang buhay na hindi nakakulong dito sa bukid. Kung kayo ang nakalaan para sa isa’t isa, alam kong babalik siya dito para hanapin ang puso niya.”
Iyon ang ipinakiusap ni Marcus Silvana bago niya tuluyang pinalaya si Athena. She was young, with a future full of dreams ahead of her. Bakit nga ba niya pipigilan?
Pero pagkatapos ng dalawang taon, hindi umuwi si Athena para balikan siya. Umuwi lang ito para sa maysakit nitong Lolo. Ang mata nitong dati ay puno ng pagmamahal sa kanya, napalitan ng galit.
May pag-asa pa ba ang puso niyang naghintay ng dalawang taon?
Unfold
"Si Kent ang magpapasya kung pababalikin niya dito si Chad o hindi, Athena." matigas na wika ng Daddy niya nang sabihin niyang nakausap niya si Chad kagabi. Napapayag niyang bumalik ito sa farm sa susunod na linggo.
"Bakit siya? Pag-aari niya na ba ang bukid natin para siya ang magdesisyon sa ganoong bagay? I don't want ……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……