Claimed by Sir Frederic
Share:

Claimed by Sir Frederic

READING AGE 18+

Whisper by Airah Romance

0 read

Sa edad na dalawamput lima, nakatali si Kristela Buenaventura sa hirap ng buhay at sa napakamahal na maintenance ng inang si Aling Rosa na may sakit sa puso. Sa kagustuhang igtas ang nag-iisang magulang, tinanggap niya ang isang alok na magpapabago sa kanyang tadhana ang maging dancer sa Casa de Vina, ang pinaka-eksklusibo at madilim na aliwan ng mga mayayaman at makapangyarihan.
Sa gitna ng pulang ilaw at pagnanasa ng madla, ang kanyang porselanang balat at angking alindog ay pumukaw sa mga mata ni Frederick Falcon ang 42-taong-gulang na kilabot at manipulatibong Mafia CEO. Sa isang gabi ng kasunduan, binayaran ni Frederick ang buhay ng ina ni Kristela, kapalit ng isang brutal na katotohanan: si Kristela ay magiging eksklusibong pagmamay-ari niya.
Sa ilalim ng kontrol, marangyang kulungan, at mga gabing puno ng init at pagnanasa, unti-unting nahulog ang loob ni Kristela sa lalaking kumokontrol sa kanyang buhay. Ngunit sa likod ng pader ng mga Falcon ay nakakubli ang lason si Mandy, ang inggitirang socialite wife na may lihim na ugnayan sa kabit nitong si Magnos, at ang mapagmataas nilang anak na si Jacob.
Nang matuklasan ang isang panganib at ang buhay na dahan-dahang nabubuo sa kanyang sinapupunan, nagawa ni Kristela ang hindi inaasahan ang tumakas mula sa kamay ng Mafia CEO at itago ang kanilang anak na si Abigail sa loob ng anim na taon.
Ngunit hanggang kailan magtatago ang isang ibon, kung ang mismong may-ari ng kulungan ay hindi kailanman tumigil sa paghahanap sa kanya

Unfold

Tags: forbiddencontract marriageescape while being pregnantkickass heroinemafiasingle motherheir/heiressdramacityoffice/work place
Latest Updated
Kabanata 9

Isang linggo ang mabilis na lumipas matapos ang matinding gulo sa BGC Tower. Ang balita tungkol sa pagkahuli kina Mandy at Magnos ay mabilis na kumalat sa buong underground society. Ang dating makapangyarihang asawa at security head ng mga Falcon ay pormal nang pinalayas at nawalan ng lahat ng karapatan sa kumpanya. Si Jacob naman, na halos hind……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.