She Only Pretends
READING AGE 18+
Girl Power - Ang Paghihiganti ng Babaeng Sawi Entry
Rated SPG | R-18 | Mature Content
Pinagtangkaang patayin si Samira nang tiyahin niya kaya naman napadpad siya sa Tierra Samonte Island pero nang magising siya sa lugar na 'yon ay hindi na siya si Samira Miranda kundi ang nag-iisang tagapagmana ng Tierra Samonte Corporation na si Samara Samonte, isang babaeng kamukhang-kamukha niya at matagal na ring nawawala.
Nang dahil din sa hirap ng pinagdaanan niya ay magmula nang araw na 'yon ay niyakap na niya ang pagiging isang Samara Samonte upang bawian ang mga taong umapi at sumira sa buhay niya.
Una, ang kaniyang Tita Devorah na nagmalupit sa kaniya magmula nang mamatay ang kaniyang mga magulang at siya ring umangkin nang lahat ng ari-arian na naiwan sa kaniya ng mga ito.
Pangalawa, ang pinsan niyang si Felicity at ang fiancé niyang si Brian na nahuli niyang nagtatalik sa loob mismo ng kaniyang kuwarto.
Ngunit magtagumpay nga kaya siyang paghigantihan ang mga taong umapi sa kaniya gamit ang katauhan ni Samara Samonte gayong may isang lalaking palaging nakamasid at nakabantay sa kaniya — si Kaiden Madriaga na siyang fiancé naman ni Samara.
Mapagtagumpayan kaya niya ang pagpapanggap nang hindi nahuhulog sa maiinit nitong haplos at matatamis nitong mga halik? Ngunit paano kung bigla na lang bumalik ang totoong Samara Samonte, anong gagawin niya at paano niya haharapin ang dalaga na totoong ngang kamukhang-kamukha niya?
Unfold
SAMIRA’S POV
AYOKO sanang ipa-columbary pa ang abo nila Mama at Papa dahil mas gusto kong sa bahay na lang sila para alam ko na kasama ko pa rin sila. Pero dahil hindi pumayag si Tita Devorah ay wala akong nagawa, sa lahat ng desisyon na gagawin para sa mga magulang ko ay palaging mas nasusunod ang kung anong gu……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……