DADDY GOV (SSPG)
READING AGE 16+
Dahil sa labis na pangangailangan sa pera ay napilitang um-extra sa isang bar si Taffy upang mabilis na makalikom ng salapi para sa operasyon ng ina. Ang trabaho niya lang sana ay magbenta ng sigarilyo sa mga bigating customer at umasa sa tip na makukuha mula rito, ngunit hindi niya lubos akalaing may mag-aalok sa kanya ng isang malaking halaga kapalit ng isang gabi sa kama.Isang estrangherong tila inukit mula sa imahe ni Adonis. Matikas. Misteryoso. Ubod ng gwapo. Dahil sa desperasyon ay pumayag siya sa alok nito. Isinuko niya ang kanyang pagkababàe kapalit ng malaking halaga na hindi lang nakatulong sa operasyon ng kanyang ina kundi nakatulong din sa pagtatapos niya sa pag-aaral.Matapos niyang gr-um-aduate ay lumuwas siya ng Maynila para magtrabaho. Tatlong taon din siyang namalagi roon bago niya kinailangang umuwi dahil nabalitaan na lang niyang ikakasal na ang kanyang ina.Ngunit pagkauwi niya ay halos pagbagsakan siya ng langit at lupa nang makilala kung sino ang mapapangasawa ng ina—si Sebastian Von Romano, ang gobernador ng probinsya, at ang lalaking bumili ng kanyang dangal.Papaano niya papakisamahan ang magiging ama kung sa bawat sandaling nagtatagpo ang kanilang mga mata ay naaalala niya ang gabing namulat siya sa makamundong init at pantasya?At paano niya magagawang umiwas, kung sa bawat hakbang niya palayo ay siyang paglapit din ni Sebastian sa kanya na tila ba'y pinapaalala ang gabing pinagsamahan nilang dalawa?
Unfold
Alas tres na, pero bukas pa rin ang mga mata ko sa sobrang daming bagay na pumapasok sa isipan ko. Isa na roon ang pangalang binanggit ni Sebastian kanina. I couldn't stop wondering kung sino ang babaeng 'yon sa buhay niya.
Was she someone special?
Was she his girlfriend?
Or was she more than……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……