The CEO's Fling
Dahil sa kahirapan at pang aalipusta ng abusadong tiyahin na umampon kay Nicole nang mamatay sa aksidente ang mga magulang ay pinilit niyang maka pag tapos ng pag aaral sa kursong aeronautical engineering. Dahil na rin marahil sa kanyang sipag at tiyaga at dahil na rin sa angking talino ay isa siya sa mga mapalad na mag aaral na naka pasok sa study now pay later program ng isang malaking aircraft company.
Itinuring ni Nicole na isang malaking oportunidad ang mabigyan siya ng pagkakataon na maka pag tapos ng pag aaral kahit pa nga ma higpit na tinutulan iyon ng kanyang tiyang Norma na siyang tinutuluyan niya mula pa noong walong taong gulang pa lamang siya.
Ngunit dahil na rin siguro sa kagustuhan niyang maka alis sa puder ng mapang abusong tiyahin at sa mapanakit na mga anak nito ay hindi niya pinakingan ang pag tutol ng mga kamag-anak na mag aral siya, sa halip ay pinag buti niya hangang maka kuha siya ng magandang trabaho sa kumpanya na nag paaral mismo sa kanya matapos maka pag tapos sa kolehiyo at maka kuha ng pinaka mataas na parangal sa uniberidad bilang summa c*m laude sa kanilang batch.
Buong akala ni Nicole ay magiging maayos na ang lahat lalo pa at nag karoon na rin ng bunga ang ilang taon niyang pag titiis ngunit hindi naging madali. Na in love si Nicole sa kanyang masungit na boss na hindi niya maintindihan ang tunay na nararamdaman para sa kanya, nagkaroon sila ng hindi maayos na relasyon siya ay in love ang kanyang boss naman ay ginawa lamang siyang fling nito.
Noong una ay nagagawa niya pang pigilan ang pag ka hulog sa CEO ng kumpanyang pinapasukan ngunit nang lumaon ay naging napaka hirap para kay Nicole, paano ba naman niyang magagawang mag paka civil sa harap ng kanyang boss gayong bukod sa may nangyayari sa kanila sa loob at labas ng opisina ay mahal niya rin ang CEO. Ang kaniyang CEO.
Unfold
Agad na napa ngiti si Nicole nang magising, mukha kasi agad ni Alexander ang bumungad sa kanya.
“Morning beautiful wife.”
Naka ngiting bati ni Alexander kay Nicole habang mataman siya nitong tinititigan.
“Good morning naughty husband.”
Ganting pag bati niya naman dito saka inangat ang kamay para bigyan ito ng mahig……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……