Deceitful Romance
Share:

Deceitful Romance

READING AGE 18+

xakni_allym LGBT+

0 read

Nagising si Elijah sa ospital na walang maalala tungkol sa sarili niya. Doon lang din niya nalaman na isang aksidente ang kinasangkutan niya na siyang dahilan ng pagkakaroon niya ng amnesia. Habang nagpapagaling siya mula sa mga sugat na natamo niya mula sa aksidente, isang lalaki ang dumating. Noong una ay inakala niya pang ito ang bagong doktor niya ngunit nagulat siya nang sabihin nitong hindi ito ang bagong doktor niya kundi ang asawa niya. Iniuwi siya nito at nagsama sila bilang mag-asawa sa loob ng ilang buwan. Sa labis na pagtataka ni Elijah, kahit sinasabi nitong mag-asawa sila, parang hindi naman asawa ang trato nito sa kanya maliban na lang sa pagsapit ng gabi. Sa umaga ay tila sila estranghero sa isa't isa. Parang galit pa nga ito sa kanya sa rason na hindi niya alam. Hanggang isang araw, habang wala ang kanyang asawa ay may dumating na binata na halos kaedad lang niya. Tinawag siya nitong Avery at sinabing ito raw ang boyfriend niya. Pero ang mas nakakagulat pang rebelasyon, Kuya nito ang lalaking nagpakilalang asawa niya.

Unfold

Tags: billionairefamilysweetbxbcampushighschoolmusclebearsassynaivepassionate
Latest Updated
Chapter 3

Ipinarada niya ang kotse sa gilid ng daan kung saan iilan lang ang kabahayan. Habang natutulog ang kasama, gusto niyang pag-isipan kung tama ba talaga ang naging desisyon niya ngayong kasama na niya si Avery.

Napabuntonghininga siya. Totoo ang sinabi niyang naaksidente ang kapatid niya, nag-agaw-buhay, at na-coma ito. Totoo rin ang……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.