MY BULLET HEART
READING AGE 18+
A MAFIA COLLABORATION SERIES
Ipinanganak si Aloysia na may ginintuang puso at mabait na bata kahit lumaki siya sa karangyaan, iyon kasi ang itinuro sa kaniya ng mga magulang niya. Dalawa lang silang magkapatid at ang bunso ay si Steel.
Bilin ng kanilang magulang na hindi sila puwedeng lumabas ng bahay basta-basta dahil maraming nagtatangka sa kanilang buhay at ayaw ng mga magulang nila na may mangyaring masama sa kanila. Kung lumabas man sila ay parating may nakapalibot sa kanilang mga body guard na hindi nagustuhan ni Aloysia dahil gusto niyang mamuhay ng normal na walang anumang nakapalibot sa kanila.
Isang araw ay tumakas si Aloysia sa kanilang bahay dahil gusto niyang maranasang maging malaya kahit sandali lamang. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala naman niya si Gavin. Naging kaibigan niya ito at lihim naman silang nagkikita at habang tumatagal ay may namumuo namang pagmamahal sa kaniyang puso para kay Gavin.
Labis namang nalungkot si Aloysia nang magpaalam si Gavin sa kaniya na pupunta ng Amerika upang doon na magtapos ng kaniyang pag-aaral. Pero may isang bagay na ipinangako sa kaniya si Gavin ay kapag nagkita silang muli ay siya na ang babaeng pakakasalan nito.
Ngunit meron pa palang mas ikakadurog ng puso niya nang paslangin ang mga magulang niya at kitang-kita niya mismo kung paano ito patayin ng mga hindi kilalang lalaki sa mismong tahanan nila.
Dalawa na lang silang magkapatid ang natitira at walang iba pang kamag-anak at hindi alam kung paano sila mamumuhay ng normal gayong kinse anyos pa lamang siya at sampung taon lang ang kaniyang kapatid na lalaki.
May isang mag-asawa naman ang kumupkop sa kanilang magkapatid at sila rin ang magtuturo sa kanila kung paano ang makipaglaban at higit sa lahat ay ang pumatay.
Ang isang masayahing si Aloysia na ngayon ay si Elektra na ay naging bato na ang puso at walang patawad kung pumatay kung sino man ang ipapatay ng kaniyang kinikilalang ama.
May misyon naman siyang kailangan niyang gawin, iyon ay ang patayin ang mga taong pumatay sa kaniyang mga magulang.
Pero may isang bagay ang gigimbal sa kaniya, iyon ay ang papatayin niya pala ay mga magulang ng lalaking nangako sa kaniya na pakakasalan siya.
Paano niya pa isasakatuparan ang mga plano niya kung masyado na siyang napalapit sa lalaki at mahal na mahal niya ito at hindi niya kayang saktan?
YOU KILL OR GET KILLED. Mga salitang tumatak sa kaniya nang sabihin iyon ng kinikilala niyang ama.
Unfold
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……