WAITING FOR SUMMER
READING AGE 18+
Some summers are meant to heal you.
Others will break you before they do.
Maaga pa lang, natutunan na ni Samarra Merranda na huwag masyadong umasa-sa pamilya, sa pagmamahal, sa buhay. Iniwan ng ama at nakakulong sa isang sirang tahanan, natutunan niyang mabuhay sa pamamagitan ng pagtatayo ng pader sa paligid ng puso niya.
Si Philipp Alfonzo naman ang kabaligtaran-palangiti, masipag, at tahimik na binubuhat ang mga responsibilidad na walang nakakapansin. Sa pagitan ng eskwela, trabaho, at obligasyon, wala siyang oras para sa pag-ibig... hanggang sa unti-unting maging si Summer ang tanging bagay na hindi na niya kayang balewalain.
May mga pangyayaring hindi kayang takasan, gaano man natin gustong umiwas. Umabot sa sukdulan ang kasamaan ng kanyang stepfather—hanggang sa unti-unting madurog ang pagkatao ni Summer. Sa gitna ng sakit at takot, dumating siya sa puntong napagod na siyang lumaban, napagod na siyang mabuhay.
Isang araw, napilitan siyang mamili—at sa pagkakataong iyon, walang kaalam-alam si Pip. Kinailangan niyang magdesisyon para sa sariling kaligtasan, kahit ang kapalit ay ang pagkawala niya sa buhay ng lalaking minahal niya. Ang tanong na bumabagabag sa kanya: paano mamumuhay si Pip kapag wala na siya? Ngunit mas mabigat ang katotohanang baka hindi na siya makaligtas kung mananatili pa.
Sa huli, pinili niya ang sarili. Iniwan niya si Pip nang walang paliwanag—iniwan ang lahat ng alaala, pangarap, at pangakong binitiwan nila sa ilalim ng parehong langit.
Lumipas ang mga taon.
Ngunit sa kanyang pagbabalik, tila hindi na siya ang liwanag sa mundo ni Pip.
Huli na kaya ang lahat para humingi ng kapatawaran?
O sa kabila ng sakit at katahimikan ng mga nagdaang taon, may pusong naghihintay pa rin sa kanyang pagbabalik?
Unfold
MATAPOS ang mainit na sandaling iyon ay naligo kami ng sabay at pagkatapos magbihis ay lumabas na ng aking kwarto.
Sakto namang pagbukas ko ay kakatok na sana si Olive.
"Ma'am, the breakfast is set---" nanlaki ang mata niya pagkakita kay Pip na sumulpot bigla sa likuran ko at umakbay sakin. Halatang nagulat si Olive dah……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……