"Jeff Jeff! Bilisan mo na at Anong Oras na!" Sigaw ni Jorgina habang tinatalian ng buhok Ang bunsong kapatid na si Joy.
Sampu'ng taon ito habang labing- tatlong taon naman Ang Isa niyang kapatid na si Jeffrey.
"Eto na nga po nilunok ko na lang lahat ng pagkain ko." Sagot naman ng binatilyo.
"Baka naman mabilaukan ka niyan apo, uminom ka ng tubig" sabat Naman ng kanilang Lola habang gumagawa ng mga kakanin na ilalako nito.
Ayaw na sana ni Jorge na magbenta pa ng kakanin ang kanyang lola pero ito mismo ang may gusto dahil nga raw Hindi ito sanay na walang ginagawa. Kung kaya't kapag wala silang ginagawa ng mga kapatid niya ay tumutulong Sila sa pagbebenta.
"Anong Oras ka ba Kasi natulog kagabi at na late ka ng gising? Ha, Jeff Jeff?! " tanong niya sa kapatid" kasalukuyan itong nagsusuot ng sapatos.
"Ay naku ate . . may ka chat Yan kagabi ! Yung crush niya si Carol " pag susumbong Naman ng bunso nilang kapatid .
"Aba? Gumaganon ka na? " tinaasan niya ng kilay Ang kapatid. "Masyado ka pang Bata para lumandi ha! Alalahanin mo magtapos Muna ng pag aaral . Gusto mo bang habang Buhay tayong nandito sa eskwater? " pagbubunganga nanaman niya sa kapatid. Madalas talaga ay ito Ang lagi niyang napagsasabihan . Nag bibinata na Kasi ito kaya Todo payo siya dito.
"Ang OA Naman para friend lang? Classmate ko Yun tinanong ko lang kung kelan mag pasa ng project" pagdadahilan nito habang nagsuklay ng buhok.
"Siguraduhin mo! Oh siya! Tara na at baka ma late pa kayo ng pasok nyo " wika niya sa dalawa.
Nagpaalam Naman Ang dalawa sa kanilang Lola at sumakay na sa tricycle. Araw araw niyang hinahatid sundo Ang mga kapatid sa eskwelahan gamit Ang naiwang tricycle ng tatay niya. Simula Kasi ng mamatay ito dahil sa diabetic at komplikasyon ay siya na Ang gumamit dito upang mamasada. Siya na Ang naging bread winner ng pamilya. Tatlong taon na Ang nakalipas ng iwan Sila ng ama. Labing walong taong gulang palang siya noon. Samantala Ang kanilang Ina ay Hindi na bumalik nang umalis patungong Taiwan para mag trabaho. Sa pakiwari nila ay nag Asawa na ito ng taiwanese . Masakit man ay tinuruan niya Ang sarili na huwag ng umasa pa na Makikita Ang Ina. Paulit ulit na sakit Ang dulot nito sakanya sa tuwing kanyang naiisip. Isang taon pa lamang noon si Joy ng umalis Ang Ina. Nuong una ay nagpapadala ito sa Kanila ngunit kinalaunan ay Hindi na ito ngparamdam. Sampung taon na din Pala Ang nakalipas . Bahagya siyang napailing ng maalala iyon. TILA namumuo Ang luha sa kanyang mata. Hindi sana Sila naghihirap ng ganito kung Hindi Sila iniwan ng Ina. Hindi na niya na enjoy Ang kanyang pagkadalaga. Ni Hindi niya naranasan Ang ginagawa ng ibang kabataan. Yung mag enjoy Kasama Ang mga kaibigan. Lahat ng Oras niya ay ginugol na sa pagta trabaho. Nasa pangatlong taon na dapat siya sa kolehiyo kung Hindi lang na isugod sa ospital noon Ang bunsong kapatid sa sakit na dengue. Nagamit nilang pambayad sa hospital Ang Pera na dapat ay pang tuition niya. Kaya mas pinili na Lang niyang nag hanap Buhay para matugunan Ang kanilang pangangailangan .
"Ateeee!!! "
Nagulat siya ng biglang sumigaw Ang dalawa niyang kapatid. Maging siya ay kinabahan ng husto. Muntik na silang bumangga sa Isang kotse. Ngunit napansin niya na Mali ng driver ng kotse dahil bigla itong nag over take sa kanan.
Napahinto Naman siya at bumaba sa tricycle.
"Ate San ka pupunta?" tanong ni Joy. Nagaalala ito para sa kapatid .
"Diyan lang kayo walang bababa" bilin niya sa dalawa. Hindi Nalang umimik Ang dalawang kapatid. Pansin Kasi nilang uminit ang ulo ng nakatatandang kapatid. Iba pa Naman ito mag alburuto.
"Hoy! Balak mo ba kaming patayin!?! Ha!!" galit niyang sigaw sa driver ng sasakyan. Hindi ito bumaba sa sasakyan kaya't nilapitan niya ito at kinatok.
Agad namang bumaba Ang driver. Kung titignan ay mukang nasa late 20's o early 30's palang ito. Gwapo at makisig tignan. Ngunit Hindi ito inda ni Jorgina dahil napepreskuhan siya sa dating nito.
Nakasuot ito ng sunglass at naka business attire. Halatang mayaman Ang binata.
"Miss Ang alam ko Ikaw Ang nakatulala habang nag da drive kaya muntik na kitang mahagip" sagot nito Kay Jorgina.
"At talaga Naman? Ako pa Ngayon Ang Mali? Napa ka presko mo Naman Yata boss!" nakapa meywang niyang sambit. Pakiramdam niya ay nagiinit na Ang kanyang Tenga sa asar.
"Muntik mo na Po kami mahagip sir! Mga Bata pa kami ng kapatid ko! Kawawa Naman Ang Lola namin kung namatay kami dahil sa kapabayaan mo Po ano?" sarkastikong Banat niya dito.
"Excuse me San ba papunta tong usapan na to? Gusto mo makipag areglo? You want money?" Mayabang na tugon ng binata sabay kuha ng wallet sa bulsa. Humugot ito ng Limang libo sabay abot Kay Jorgina.
"Oh eto! Para tumigil na yang bibig mo at pwede ba nagmamadali Ako!" wika nito sabay kuha sa palad niya at Lagay ng Pera. Pagka Lagay ng Pera sa palad niya ay Dali Dali na itong tumalikod.
"Hoy! Bastos ka ha!" Sigaw ni Jorgina habang dinuduro Ang lalaki.
Pero parang Walang narinig ito. dire diretso na itong pumasok ng sasakyan at pinaandar iyon . Samantala naiwang nag pu putok Ang butse ng dalaga.
"Bwiset! Akala mo kung sino porke naka kotse siya at tricycle Ako ! Akala mo Naman kagwapuhan!" naasar niyang wika sabay lapit na sa tricycle at start nito upang paandarin.
Hawak hawak parin niya Ang Limang libong Piso na inabot nito sakanya.
"Wag ka na magalit ate at least may pang ulam na Tayo ng masarap mamaya" pagbibiro ni Jeff
"Tse! Isa ka pa ! Ksalanan mo to eh late ka Kasi nagising!" pagalit niyang wika.
"Oh? bat Naman napunta sakin? Ikaw talaga napaka bugnutin kaya tuloy di ka nag ka ka boy friend" pang aasar ni Jeff sa ate niya.
"Pag nag boyfriend Ako kawawa kayo no" sagot Naman ng dalaga.
Wala namang imik Ang dalawang Bata. Hanggang sa nakarating na sila sa paaralan ng mga Bata. Pagkaparada palang ng tricycle ay Nakita na agad ni Jeff Ang classmate kaya't nagmamadali itong bumaba.
"Hoy! Yung baon mo! Iniwan mo pa" Pahabol niya dito sabay abot ng Pera . Inabutan niya ng singkwenta si Jeff at trenta Kay Joy.
"Ate pano Yung sa project ko di mo pa nabigay" hirit ni Jeff sa kapatid.
"Magkano ba yun?"
"Sixty lang" sagot nito
"Oh Yan! siguraduhin mong pang project Yan ha! Alam mo Naman pinaghirapan ko Yan" Anya sabay abot ng Pera dito.
"Opo ate . alam Po namin kaya nga Po thankful kami na Ikaw Ang ate namin " wika ni Jeff sabay halik sa pisngi ng kapatid. Ganun na Rin Ang ginawa ni Joy.
"The best ate in the whole world! "
Ani Joy sabay yakap sa kanya.
"Ang cheesy nyo! Sige na pumasok na kayo sa loob" pagtataboy niya sa mga kapatid.
Masaya siya dahil napakabait ng mga kapatid niya . Lahat ay ginagawa niya para sa mga ito. Ganun kalaki Ang pagmamahal niya . Hinatid lang niya ng tingin Ang mga Bata at ng mapansing nakapasok na Ang mga ito sa gate ay pinaandar na niya Ang motor at tuluyan nang namasada .
Simula ng nagka dengue Ang kapatid ay naging full time na siya sa pamamasada Hindi katulad noong nag aaral pa siya. Pero para sa kanya ay mas ok na Ang ganito Kasi nga kahit full time siyang namamasada ay kinakapos parin Sila. Paano pa kaya kung part time lang Ang Gawin niya.
Minsan talaga ay napapagod din siya sa Buhay niya bilang Isang bread winner. Noong nabubuhay pa Ang ama ay Wala siyang ibang iniintindi kundi Ang mag aral t mag alaga sa mga kapatid . Samantalang Ngayon ay sarili na lamang niya Ang kanyang naaasahan. Malungkot na katotohanan ngunit kailangan niya mag paraya para sa mga naka babatang kapatid. Pasasaan ba ay makakaraos din Sila.
Pagkatapos niya maihatid Ang huling pasahero ay tumigil Muna siya sa Isa g karinderya upang Mananghalian. Inorder siya ng isa't kalahating Kanin at dinuguan. Humingi din siya ng sabaw ng sinigang at bumili ng coke mismo.
Ito na Ang naging routine niya araw araw. Dito sa suki niyang kainan na pag ma may Ari ng magulang ng dati niyang ka klase na si Katrina.
Nagkataon Naman at naroon ito at tumutulong sa Ina.
"Jorgina! " tawag nito sa kanya ng mapansin siya . "kumusta ka na?" dugtong na tanong nito sabay upo sa harapan niya.
"Okey lang Naman kat , Ikaw kumusta? Mabuti Naman at na timingan kita rito" sagot niya sabay subo ng Kanin.
"Ok lang Naman Ako. Ano Ikaw Wala ka na bang balak bumalik sa pag aaral? "tanong nito.
"Pass Muna Ako. alam mo Naman"
"Alam mo subukan mo kayang mag apply sa company namin as an agent din feeling ko Naman patok ka don" hikayat nito sakanya . "kesa Naman sinisira mo Yung beauty mo sa arawan at alikabok no! Ano? G? Lakad kita Kay boss!"
Napatingin siya sa dalaga. Mukang magandang ideya Rin Ang naiisip nito.
"Commission based to pero instant datung ka day pag na i deal ka ng unit" malapad Ang ngiting sambit ni Katrina.
"Tyaka no worries may pa allowance naman si boss"
"Ok Sige. Gawa Ako ng resume ko dalhin ko dito bukas" wika niya pagkatapos uminom ng tubig.
"Ok Gora! Akin na Yung number mo para ma I te text kita"
Binigay Naman ni Jorge Ang phone number niya sa dalaga . Maya Maya din ay nagbayad na siya ng kinain at nagpaalam sa kaibigan.
"Sige Kat, bukas Daan Ako dito. Salamat"Anya habang ini start Ang motor.
"Ano ka ba, no worries . Oh siya! Mag ingat!"
Pina andar na niya Ang motor para mamasada ulit. Kulang pa Ang kita niya ngayong araw. Kailangan niya Kasi Maka sobra para sa bayarin sa kuryente at sa maintenance ng Lola nila.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.