“sorry po sa mga readers ko na na inip na sa kakaintay ng update ng mga free story ko,. pasensya na po ng marami naging marami lang po kasing ganap sa buhay., rumaket ng bongga ang author para sa salapi hehehe..
> Game on na po ulit<
*******************************************************
“Sigurado na ba kayong dalawa wala na bang atrasan yan?” tanong ni Allen habang mag kakaharap sila sa isang table at mag yaya ng early lunch si Green. Nagpalipat lipat naman ng tingin sa kanila si Audrey na may ngiti sa labi.
“Baka naman tikim tikim ka pa rin Green. Mag isip isip ka baka mag kulay pula yan dilaw mong t shirt.” biro naman ni Audrey. Sumimangot naman si Green na kinuha ang kamay ni Chloe at pinag salikop ang kanilang mga daliri sa ibabaw ng mesa.
“di na kailangan tikman. Na tikman ko na lasang ulit.” Biro naman ni Green na hinapas naman ni Chloe sa dibdib ang nobyo habang natatawa.
“why do i have this feeling na di kayo mag tatagal.” turan pa ni Allen sabay ngisi na umiiling.
“Alam mo ikaw matuto kang mag simba linggo linggo. Ipaligo mo na din yung holy water at gawin mong candy yung ostya ni father.” parang batang wika ni Green sabay irap pa na tinawanan nalang ni Chloe.
“Kapag nag dilang anghel ka talaga bro lintik lang walang ganti.” malakas naman natawa si Allen na uminom ng tubig.
“Para kasing di ako sanay na mag seseryoso ka sa babae. Baka di mo kilala ang karakas nitong si Chloe mukha lang yang barbie doll sa labas pero ang totoo si Annabelle yan.” biro pa ni Allen. Halos masamid naman si Audrey at Chloe sa biro ni allen.
“Parang ang sarap mong itakwil na kamag anak.” komento naman ni Chloe na di malaman kung tatawa o maiinis sa pinsan pero sa huli natawa nalang din ng kindatan sya nito.
“Naku pasalamat ka guwapo ka e.”
“Wag mo ng pansinin yan asawa ko ganyan talaga kapag kulang sa buwan.” biro naman ni Green.
“Puro kayo kalokohan kumain na nga lang tayo. Kakabagan na ako sa mga pinag sasabi nyo at saka anong oras na o kailangan pa yata ni Chloe na bumalik sa school.” ani Audrey na patingin naman si Chloe sa rilo. Oo nga pala nag paalam lang sya sa mga co teacher nya na sa labas kakain ng lunch.
“It’s okay maaga pa naman.”
“Matutuwa sila tita kapag nalaman na may boyfriend ka na.” wika ni Allen napa angat naman ng tingin si Chloe.
“Actually di nila puwedeng malaman na si Green ang boyfriend ko.” ani chloe sabay lingon sa nobyo na napabuga ng hangin.
“Bakit naman?” curious na tanong ni Audrey.
“Let me guess dahil ba sa nangyaring scandal?” wika pa ni Allen. Alanganin naman tumango si Chloe.
“Just tell me if you need help puwede kong kausapin sila tita. Gago lang tong si Green pero believe it or not he’s way better than you think.” turan ni Allen.
“I love you bro.. i really do.” madamdamin naman wika ni Green. natawa naman si Chloe sa kalokohan talaga ng dalawa na to.
“Handa ko naman ipag laban si Green if ever pero hindi muna siguro sa ngayon. Diskumpiyado pa ako sa isang to e lalo pat meron umaaligid na shrek.” tumawa naman si Audrey.
“Takot nalang sayo ni Green. Chloe kaya ikaw Green umayos ka tulad ng sinabi ng baby boy ko. Mukha lang barbie doll yang si Chloe pero si Annabelle talaga yan. Susundan ka nyan kahit saan kaya wag kang paloko loko.”
“Hindi ako mag sasalita ng tapos pero manood nalang kayo kung paano totoo mag mahal ang isang Green La fradez.” wika ng binata na hinalikan pa sa kamay si Chloe na napangiti nalang din.
“Sino tumatawag? Sa resto palang panay na ang vibrate ng phone mo bakit ayaw mong sagutin?” tanong ni Green habang nasa daan sila pabalik sa school at napansin na kanina pa tunog ng tunog ang vibrate ng phone nya na pinapatay naman agad nya.
“Not to important.”
“Kung di yan important titigil na agad yan 1 hanggang 3 missed call lang.” wika pa ni Green habang nag mamaneho. Napabuga naman ng hangin si Chloe saka napilitan ng sagutin ang phone para wag ng pag mulan pa ng away nila ni Green.
“Hello.”
“At last sinagot mo rin. i need you expertise.” napapikit si Chloe. ilang phone number na ba ang binolock nya para lang wag itong makausap. Si Darlene Yuson isa sa mga hired assassin na nakilala nya long time ago. Ito ang dahilan kung paano sya napasok sa ganun uri ng trabaho. Iba si Darlene at iba sya. Si Darlene literal itong pumapatay basta sa tamang halaga. Hindi ito nag iimbestiga basta kapag may inutos rito na patayin papatayin agad nito sa tamang halaga.
Sa kasamaang palad nagkaroon sya ng utang na loob rito at nangako sya na habang buhay nyang tatanawin utang na loob rito. Muntik ng mapatay ang papa nya noon mistaken identity buti nalang dumating si Darlene siguro kung hindi baka napariwara na ang buhay nya. Naputol ang isang binti ni Darlene dahilan para makulong ito sa wheelchair.
Noong una nasasabayan pa nya at na kakaya pa nyang sabayan ang ugali nito pero later on di na kinakaya ng powers nya ang kabaliwan nito. Ilan ng client ang pinasa nito sa kanya pero lahat dinedecline nya kapag di nya gusto. Hindi naman ito na gagalit ng una pero nung lumipas na isinusumbat na nito sa kanya lahat at isinisisi na nito sa kanya ang pagiging lumpo nito.
Di naman sya nag kulang sa supportang financial. hindi rin naman nito kailangan manatili sa wheelchair dahil meron naman silang artificial legs na pinagawa para rito. Kaya technically nakakalakad ito gamit ang artificial leg hindi na nga lang nito kayang gawin lahat tulad ng dati kaya kahit papano na kokonsensya pa rin sya.
Gusto nitong makipag kita sa kanya noon pa man pero di nya tinutugon ang nga message nito dahil alam nyang meron nanaman itong magandang deal at malakihan raket kaya sya nanaman ang kinukulit akala nya nakalimutan na sya nito dahil halos ilang taon na din itong di nag paparamdam. Buwan buwan nag tatransfer sya ng pera sa account nito. Kaya di nya akalain na tatawag itong muli. Meron itong gustong ipatumba sa kanya. malaking halaga daw ang ibabayad sa kanya.
Kung alam lang sana nya na si Darlene ang natawag nung una di na nya sinagot. Di naman sya nag kulang sa pagtulong dito di pa ba sapat yun bilang pag tanaw ng utang na loob.
“What do you want this time Darlene?” narinig ni Chloe ang mahinang pagtawa ng babae sa kabilang linya.
“Don’t worry no blood involves here. Meron lang kasi akong bagong client. Meet me at my house tonight i will discuss. No more but and no more lie after this di na ako mangungulit sayo promise.” napabuga ng hangin si Chloe.
“Okay fine this will be the last favor na gagawin ko for you Darlene.” wika pa ni chloe saka nag paalam sa kausap.
“who’s Darlene?”
“Some old colleague.”
“Care to tell?” napalingon naman si Chloe kay Green saka ngumiti.
“Gusto mo ba talaga malaman ang lahat lahat ng tungkol sa akin.”
“Ikaw ba ayaw mong malaman ang lahat lahat tungkol sa akin.” natawa naman si Chloe sa sagot ng nobyo.
“Okay fine i know you know me better than i know you and it’s unfair.” inabot naman ni Chloe ang kamay ng nobyo saka pinag salikop ang mga daliri nila.
“Hindi ka ba na tuturn off dahil im a hired killer before.” Napalingon sandali si Green saka sandaling nag isip.
“Mag kaiba naman ang hired killer sa serial killer diba. Ang hired killer pumapatay ayon sa pera ang serial killer pumapatay kasi dun sila masaya. Ikaw masaya ka ba kapag nakakapatay ka?” kumunot ang noo ni Chloe.
“Kung masaya ka na nakakapatay ka ng tao then our relationship won’t work pero kung pumapatay ka ng may basehan. I can understand that dahil minsan talaga kailangan mag bawas ng masama sa mundo.” napangiti si Chloe sa explaination ni Green.
“I also heard na dati kang police agent. so normal talaga sayo ang pumapatay ng masamang tao.” napangibit si Chloe. Siguradong si Allen ang nag sabi dito.
“Bakit ka nag resign sa trabaho.” napabuga ng hangin si Chloe.
“My parents ask me so i agree.” nalukot ang mukha ni Green.
“Iyon lang ganun lang sumunod ka lang dahil gusto ng parents mo.” tumango si Chloe.
“Ikaw ba kapag nakita mo ang mama mo na umiiyak at nakikiusap na iwan mo na ang trabaho mo dahil delikado. Hindi ba mahahabag ang damdamin mo.” napaisip si Green saka tumango.
“sabagay may point naman pero kidding aside di mo naman siguro ako iiwan kapag umiyak at iutos sayo ng parents mo na iwan ako diba.” tumawa si Chloe.
“Wag na muna natin isipin yun meron tayong 3 months sulitin muna natin yun.”
“Pero alam mong hindi ako mag sesetle sa 3 months lang Chloe. So ngayon palang gusto kong marinig ang sagot mo.”
“Hmmmm! ang possesive… oo na okay! Di kita iiwan kung wala kang gagawin kalokohan pero ito ang tandaan mo kapag ako niloko mo. Mag kakamustahan kayo ni San Pedro.” natawa naman hinalikan ni Green ang kamay ni Chloe.
“Ano pa bang hahanapin ko sa ibang babae na wala sayo.”
“asus ayan tayo e. Dinadaan mo ako sa bola wag ako Green. Kilala ko ng karakas mo.” tawang tawa naman ang binata.
“I pick you up later let’s have dinner together.”
“I can’t tonight i memeet ko si Darlene.”
“Can i come.”
“Wag na di naman ako mag tatagal dun meron lang kaming pag uusapan.”
“Dirty job?” hula ni Green. Nag kibit balikat si Chloe.
“Kota na ako dyan graduate na ako. rest assured no more dirty jobs promise.” ani Chloe na nag taas pa ng kanan kamay.
“I love you.” turan naman ni Green. Nakatitig lang si Chloe kay Green di nya alam kung tatawa ba sya o kikiligin.
“Wala man lang reply.” labi ni Green napangiti naman si Chloe sa asal bata nito.
“Thank you.” malakas naman tumawa si Green.
“Wala na bang itotodo yang sagot mo.”
“Pag iisipan ko later okay.”
“Nahihiya ka lang ata e. Sige okay lang na niniwala naman ako sa saying na action speak louder than voice pero minsan gusto ko rin marinig syempre.” mabilis naman dumukhang si Chloe at hinalikan sa pisngi si Green na bahagya pang nagulat.
“Hey’ don’t do that kapag nag dadrive ako make it fair.” ngisi ni Green.
“Bagay talaga sayo ang pangalan mo. Ang berde lagi ng utak mo.” napahalakhak nalang si Green.
Agad naman din nagnakaw ng halik ang binata ng pababa na sana sya ng sasakyan nito ng makarating ng school. Noong una smack kiss lang pero ng kabigin na sya ng tuluyan para mahalikan sya sa labi di na sya nag pakipot pa agad din syang gumanti sa mainit nitong halik kung di lang sya nag aalala na may makakita sa kanilang studyante hahayaan na muna nya si Green na mag sawa. Umungol pa ito ng bahagya yang itulak at nag mamadaling nag paalam sa nobyo na napilitan na din kumaway.
*********
“Fiona Rigor.” mahinang usal ni Chloe ng makita ang folder na inabot sa kanya ni Darlene. Nag angat sya ng tingin at napatingin kay Darlene.
“She’s back from L.A. gusto ng kliyente ko na sundan sya kahit saan sya mag punta 24hrs hour sa loob ng 1 month.”
“Why?” ngumisi si Darlene.
“You know im not asking why to the client.” napatango naman si Chloe. Oo nga pala bakit nga ba nag tatanong pa sya e alam naman talaga nya na pera pera lang talaga ang lakaran nito.
“Walang utos na patayin sya basta bantayan lang at malaki ang ibinayad nila so sayang naman kung tatangihan ko sila pero dahil di ko kayang gawin yun 24hrs dahil napapadalas ang kirot ng legs ko ikaw agad ang naisip ko.”
“But i have my job.” pagak naman tumawa si Darlene.
“Being a teacher come on Chloe sinasayang mo ang skills mo.”
“Diba mas sasayangin ko ang buhay ko kung mag sstick lang ako being a hired killer. Parang mas meron logic yung pagiging teacher ko kesa tumanggap ng maruming gawain.” ngumisi si Darlene sabay upo sa tapat nya.
“Alam ba ng parents mo after mong umalis sa pagiging pulis pumasok ka sa isang maruming trabaho.” gustong mag pantig ng tenga ni chloe buti nalang wala syang dalang baril ngayon dahil from school dito na sya dumeretso.
“Get to the point Darlene.” prenteng sumandal sa upuan si Darlene at nag crossleg pa.
“Tulad ng sinabi ko kanina sa phone huling hingi ko na sayo ito ng pabor after this hindi na kita kukulitin. Amanos na tayo puwede mo na rin itigil ang pag sustento sa akin. Gawin mo lang tong trabahong to.” na iinis na napasuklay ng buhok si Chloe. Muli nyang tiningnan ang picture ni Fiona. Sa dami dami naman ng tao sa mundo bakit ito pa ang kailangan bantayan ang kilos at sino kaya ang kliyente nito na nag papabantay kay Fiona. Inis na tumayo si Chloe bitbit ang folder ng details ni fiona.
“consider the job done.” turan nya saka umalis na ng di lumingon. Noon naman tumunog ang phone ni Darlene at sinagot iyon.
“Yes sir. Tinanggap nya ang trabaho this will be the end of her.”
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.