"Agatha, ha...hawakan mo kamay ko! Bilisan mo!" Ginamit ni eros ang lahat ng lakas upang sumigaw kay agatha na nag aagaw buhay sa loob ng kotse na mahuhulog na sa bangin. "Agatha!!" Nag mamakaawang sigaw nito kay agatha.
Pinilit na abutin ni agatha ang kamay ni eros ngunit dahil sa mga sugat at bali baling buto nito ay hirap niyang maigalaw ang katawan niya "umalis kana, eros" mahinhin na utos ni agatha kay eros, ngumiti siya ng kaunti at lumuha ng ibaba ni ang kamay niya.
"Agatha wag mong gawin sakin to! Ano ba! Gumising ka" sigaw niya ulit.
"Ayon sila!" Sumigaw ang mga lalake na balak patayin ang dalawa habang may dala dalang baril.
Natatarantana si eros at hindi alam ang gagawin "Agatha bilisan mo!" Sigaw nito ulit kay agatha.
"Mahal na mahal kita, eros. Sana gawin mo tong nahuhuling hiling ko sayo. Tumakas ka! Umalis ka! Mag pakasaya ka kahit wala ako!" Agatha's voice cracked habang pinipilit na sumisigaw kay eros na umalis.
"Hindi!, mag kakamatayan tayo rito" suway ni eros habang mahigpit na nakahawak sa kotse, nilakasan nito ang sarilj at binaliwa ang sakit at mga sugat sa katawan niya. Hinila nito pataas ang kotse dahil unting galaw nalang ay mahuhulog ito sa bangin.
"Umalis kana sabi! Eros!" Panggigil na sigaw ni agatha sa kanyang habang umiiyak. "Um..umalis kana, please"
Pinaputukan sila ng baril ngunit bakas man at ramdam ni eros ang sakit ay hindi niya ito pinansin, lumapit ang isa sa mga lalakeng papatay kila eros at sinubukan siya nitong saktan at paghahampasin ng bakal na pamalo, ngunit hindi natinag si eros.
Tumingin si agatha sa kanya ngumiti ng mahinhin. "mahal kita" salita niya, sabay tulak sa kotse gamit ang paa nito na sya ring nag pahulog sa bangin. Halos mapa upo si eros sa nakita nya.
"HINDI!" sigaw nito.
Napahinto ang lahat, pati ang mga taong gustong pumatay kila eros. "Bakit....bakit? Bakit? Agatha bakit!?" Paulit ulit na tanong nito.
"AHAHAHAHA boss isa nalang problema natin" sabat ng isang lalake.
Nagalit ng tuluyan si eros, lumaki ang mata ng mga tao at nagulat ng biglang lumiwanag ang paligid ni eros. Napapikit sila sa liwanag at tinakpan ng braso nila ang mga mata nila.
"AH!" Napasigaw sila ng nakita, may biglang lumabas at bumukang malaking pakpak sa likod ni eros. "HALIMAW!" sigawan nila, pinaputukan nila si eros ngunit tinakpan lamang ni eros ang sarili gamit ang pakpak niya, ang bala ng baril ay wala ng saysay.
Ang kapangyarihan ni eros ay nag balik na, walang awa niyang pinag papatay ang mga tao dahil sa galit, wala nasyang naramdaman kundi puot at inis. Ngunit isang boses ang tumawag sa pangalan niya "eros" ang boses ni agatha, subalit isa lamang iyon hudyat upang tumigil na siya sa ginagawa niya.
Lumuha, at sumigaw si eros, lumakas ang hangin at nag dilim ang kalangitan. Pinuntahan ni eros si agatha nasa loob ng kotse at wala ng malay. Kinuha nya ito at niyakap ng mahigpit, lumuha sya hanggang sa lubusan ng umiyak.
"BAKIT! BAKIT SYA PA!" tumingala siya sa langit at sumigaw.
Bumuhos ang ulan at sinabayan ang pagluha ni eros, lumingon siya ulit kay agatha ang isang luha'y pumatak sa kanya, niyakap nito ng mahigpit si agatha...
Masakit ba ang naging kapalaran ni eros at agatha?
Mabubuhay pa kaya agatha at magiging masaya si eros?
to be continued...
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.