Fyane's POV
LABIS ANG saya ko nang isilang ko ang naging bunga ng pagmamahalan namin ni Kyru, at ang tanging pinanghahawakan ko na lamang ngayon ay ang alaalang iniwan niya.. ang anak namin.
"Anong ipapangalan mo sa kaniya?" tanong ni Inang sa akin.
"Kyru.." maluha-luha kong sabi.
"Pangalan ng ama niya?" napapangiting tugon ni Amang. Napatango ako at sumilay ang ngiti nila sa labi.
Natuto na rin kasi nilang tanggapin ang lahat, ang kinahantungan ng pagmamahalan naming dalawa ni Kyru. At sa ngayon, mas pinili kong palakihin ang anak namin nang mag-isa. Ayoko munang pilitin magmahal pa ng iba at ayokong pilitin ang aking sarili na buksan muli ang puso ko para sa iba. Sapat na sa akin na kasama ko lang ngayon ang anak ko.
Nang tanawin ko ang paligid ay wala itong pinagkaiba sa dati. Ang nagsasayawang mga halaman ay sadyang naghahatid sa akin ng pag-asa. Dahil alam kong kahit wala na si Kyru ay hindi siya mawawala sa puso't isipan ko.
Ilang buwan na rin ang lumipas magmula nang huli kong makita sina Madam Kylein at Sir Rio. At ilang buwan na rin nila akong kinukulit na makita ang apo at pamangkin nila. Nabalitaan kong may bagong kasambahay na rin sila na pumalit sa akin.
"Kailan ba nila balak na pumasyal dito?" tanong sa akin ni Inang.
"Sa susunod na linggo raw po ang dating nila rito, Inang.."
"Mabuti kung ganoon at nang mapaghandaan natin ang pagdating nila." Ngumiti ako habang pinagmamasdan ang sumususo kong anak sa akin. Napapaiyak ako sa tuwa dahil matapos ang masakit na nangyari ay napalitan ng dobleng kasiyahan ang pagdating ni Baby Kyru sa buhay ko. At habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko na naman maiwasan na balikan ang mga nangyari..
Naglalakad ako sa may kagubatan nang habulin ako ng isang baboy ramo sa mabilis kong pagkakatakbo ay hindi ko inaasahan na mapapatid ako ng bato. Kalauna'y nakilala ko siya, may suot-suot siyang damit na animo'y nakikipagdigmaan, sa likod niya ay may nakasukbit na pana na siyang pinangpatay niya sa baboy ramo at mayroon siyang mahabang buhok na nakadagdag sa kaniyang kakisigan.
Doon ko napagtanto ang aming naging tagpuan na hindi ko akalaing magkakaroon ng wakas..
?
Di, di ko inakalang
Darating din sa akin
Nung ako'y nanalangin kay bathala
Naubusan ng bakit
Bakit umalis ng walang sabi?
Bakit 'di siya lumaban kahit konti?
Bakit 'di maitama ang tadhana?
At nakita kita sa tagpuan ni bathala
May kinang sa mata na di maintindihan
Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo
Nung ako'y ituro mo
Siya ang panalangin ko..
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tumitigil sa pag-asang.. magkikita kaming muli sa tagpuan.
Makalipas ang mahigit isang linggo ay bumisita sina Sir Rio at Madam Kylein dito sa Floresca. Subalit, hindi ko inaasahan na may dala-dala sila bukod pa sa mga pasalubong na galing pa sa Maynila.
"Magandang araw, Fyane," bati sa akin ni Madam Kylein.
"Magandang araw din po, Madam Kylein, mabuti naman po at nakarating kayo," masaya kong sabi.
"Bakit madam pa rin? P'wede mo naman akong tawaging mommy, dahil ikaw naman ang ina ng apo ko."
"S-sige po, m-mommy." Sabay kaming napangiti at saka nabaling ang atensyon niya sa idinuduyan ko kung saan ay naroroon ang anak namin ni Kyru.
Kagaya ko ay mainit din silang tinanggap nina Amang at Inang dahil na rin sa paghahanda nila ng masasarap na pagkain sa lamesa.
"Aba'y tutulungan na kita riyan, balae," ani Madam Kylein kay Inang. Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila.
At siyang tawag naman sa akin ni Sir Rio dahilan para mapalingon ako sa kaniya.
Nagpunta kami sa kagubatan dahil na rin sa kagustuhan niya, nais niya kasing mapagmasdan ang tunay na ganda ng Floresca, maging ang bakas ng tagpuan namin ni Kyru na kahit kailan ay hindi ko na yata magigisnan pa.
"Fyane, sigurado ka ba talagang dito kayo unang nagkita?" Napatango ako at napasinghap kasabay ng malakas na hangin.
"Hindi kapani-paniwala subalit, ang kaniyang kasuotan pa no'n ay tila nakikipagdigmaan, naisip ko nga noon na baka kalaban siya at may masamang binabalak sa akin," sabi ko nang hindi niya inaalis ang tingin sa akin. Natigilan ako dahil parang pamilyar sa akin ang tingin na iyon o baka naman namamalikmata lang ako.
"Ngayon, Fyane, naisip mo na ba kung bakit sa dinarami-rami ng lalakbayin ng kaluluwa niya ay dito siya sa Floresca napunta?"
Sandali akong napaisip sa sinabi niya. "H-hindi ko rin alam," napapailing na sabi ko. Ilang sandali pa ay ngumiti siya at may kung anong inilabas na kahon. Hindi ko alam kung anong laman no'n pero nang sandaling makita ko 'yon ay bumilis ang t***k ng puso ko.
"Dahil kayo talaga ang itinakda, Fyane.." Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. "Maaaring nagmahalan lang kayo sa ibang paraan at panahon, pero hinding-hindi maghihiwalay ang magkarugtong ninyong mga puso.." aniya na nagpalabas ng luha ko."
"Rio.. b-bakit mo ba sinasabi 'yan?"
Napangiti siyang muli at dahan-dahan niyang binuksan ang kahon at halos manlaki ang mga mata ko nang makita na isa iyong abo. Dahilan para lalong bumilis ang t***k ng puso ko.
"Hindi ka maniniwala pero bago pa man ako umalis dito no'n ay nagkausap na kami ni Kyru. Kung saan ay ipinaunawa niya sa akin kung gaano katibay ang pagmamahal niya para sa'yo. Nakita ko mismo kung gaano kayo nagmahalan, Fyane." Napalunok ako ng ilang ulit sa sinabi niya at ilang sandali pa ay muli na naman siyang nagsalita, "At bago pa man ako muling humarap sa'yo ay natanggap ko na sa aking sarili na kailanma'y hindi p'wede na maging magkasintahan tayo, mahal na mahal ko ang kapatid ko at alam kong mahal na mahal ka rin niya, kaya.. ipinagkakatiwala ko na sa'yo ito.. ang abo niya." Halos kilabutan ako sa sinabi niya. At napatingin pa ako sa kaniya bago ko pa man tanggapin ang kahon na iyon.
"Maraming salamat, Rio.. hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon.." naluluha kong sabi.
Niyakap niya ako at nang bumitiw kami sa yakap na iyon ay hindi ko inaasahan ang susunod na mangyayari..
Lumakas ang simoy ng hangin at nagkaroon ng malaking liwanag na siyang bumungad sa amin. Doo'y napahawak ako kay Sir Rio at parehas kaming natulala nang lumantad sa aming harapan ang pamilyar na bulto ng tao.
Hindi ako makapaniwalang nasa harapan na namin si Kyru. Habang wala akong nakikitang bahid ng pagtataka sa mga mata ni Sir Rio.
"Kyru," tanging sambit ko at napabitaw sa akin si Sir Rio. Hinayaan niya akong unti-unting makalapit kay Kyru kahit sobrang lakas ng kaba sa aking dibdib.
At bago pa man ako makalapit sa kaniya ay sinalubong na niya ako ng yakap. Hindi ako makapaniwala na nararamdaman ko ang init ng katawan niya ngayon.
Nang bumitiw kami sa pagkakayakap ay nakita ko ang luha sa kaniyang mga mata. "Kyru, bakit ka umiiyak?"
"Fyane, patawarin mo ako kung bakit hiniram ko ang buhay ni kuya.. para lang makasama ka."
Napakunot ang noo ko at nang sandaling lingunin ko ang direksyon ni Sir Rio kung saan ko siya iniwan ay nabigla ako nang makitang isa na lamang siyang kaluluwa.
"Paano nangyari 'to?"
Nagtataka akong nagpabalik-balik ng tingin sa kanila bago ko pa man maintindihan ang mga nangyayari. At ayaw nang magkamayaw sa pagpatak ang luha ko sa sumunod na sinabi niya, "Fyane, sa huling pagkakataon ay panandalian kong inutang ang buhay ni kuya upang maranasan kong makarga at maalagaan ang anak natin.. at makapagpaalam ng maayos kay mommy, na kahit panandalian lang, basta makasama ko kayo, dahil mahal na mahal ko kayo."
"Pagkatapos ba nito ay hindi ka na ulit babalik?"
Dahan-dahan siyang napatango at mas lalo lang akong naluha. Kaya walang alinlangang nagtagpo ang mga labi namin at pinagsaluhan ang isang dalisay na halik. Doo'y sandali kong nakalimutan na hiram niya lang ang kaniyang buhay at tuluyan nang aalis habang buhay.
~~~
Captured Song: [Tagpuan by: Moira Dela Torre]
Thankyou for reading! :)
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.